PAKIRAMDAM ko ay binugbog ang katawan ko ng sunod sunod na pagod. Since gabi na nang umalis ako ay hindi ako naakabot sa flight kaya saglit na lang ako nagpahinga sa malapit na hotel sa airport. Pero parang hindi din ako halos makatulog dahil sa pag-aalala kay mommy na hanggang ngayon ay hindi pa din daw nakikita.
“Peony!” Si tita ang sumalubong sakin pagbaba ko ng sasakyan na pinasundo sakin ni lolo.
“Mukhang wala kang maayos na tulog, tignan mo yung mukha mo haggard na.” Nag-aalala na sabi ni auntie Nessa. Napasapo ako ng ulo.
“I’m worried auntie e, wala pa din po bang balita?’’ Tanong ko, kinuha naman ng mga katulong ang gamit ko habang si auntie ay nakahawak sa braso ko.
“Iyon nga hanggang ngayon wala pa din e. Hindi naman aalis ang babaeng ‘yon nang hindi nagpapaalam samin. Saka yung sinabi mo na baka naligaw sa kabila, hindi pwedeng makialam ang mga police lalo at wala namang ebidensya na nagtungo doon ang mama mo.”
My eyes are filling up with tears. “Hindi naman aalis ng walang pasabi iyon e.”
“Shh it’s okay ha, kailangan lang natin maging kalma ngayon.”
Pumasok kami sa rancho habang si auntie ay nakaalalay sakin. Naabutan ko ang iba kong auntie sa loob, nakita ko pa ang isang lalaki doon na may malaking katawan. There’s a cigarette in his hand, hindi siya pamilyar sakin.
“Ah siya ang tito Ares mo, asawa ni tita Linda mo.” Pakilala ni auntie nessa, tumango ako sakanila. Napansin ko ang paghagod ng tingin sakin ng lalaking ‘yon.
“Ikaw ba ‘yung anak nila Mila at Roman?” Tanong niya na humithit pa ng sigarilyo, tumango naman ako.
“Y-yes po... wala pa din po bang balita kay mama?”
“Ewan ko ba diyan sa mama mo, bigla na lang umaalis ng hindi nagpapalaam kagaya noon!” Nakataas pa ang kilay na sabi ni auntie Linda. Yumuko ako sa cellphone ko baka nagbabakasaling lumitaw message ni mama.
“Magpahinga ka muna, huwag kang mag-alala dahil hindi tumitigil ang mga police sa paghahanap sa mama mo.” Sabi naman ni tito Ares.
“Tinanong nyo na po ba sila Donya Ophelia kung napunta si mommy doon?”
“At ano namang kinalaman nila doon, hindi mo ba alam umalis na din si Evander?” sabat ni Sarah na mukhang galing sa labas.
“Mamaya mo na isipin ‘yon iha, alam kong nag-aalala ka kay ate pero mas kailangan mo munang magpahinga. Look at your eyebags, hayaan muna natin ang mga police mag-asikaso ha?” Sambit ni auntie Georgia.
I have no choice but to rest, kanina pa din masakit ang ulo ko. Hindi makakatulong sakin kung magkasakit pa ako ay baka hindi ako makakilos para hanapin si mommy. Pinaghandaan ako ni auntie Nessa ng pagkain, pagkatapos ko kumain saglit ay nagtungo na din ako sa kwarto na tinulugan din pala ni mama.
“Baby look! Ang ganda ng gown mo!”
I couldn’t help but cry while watching our video with Mom, isa iyon sa pinakamasayang araw niya dahil ika-18th birthday ko na wala kami sa lugar ni lolo. Pero ngayon.... bumalik lang din kami uli sa lugar na pilit naming pinagtataguan. I know my dad wouldn’t be happy if he were still alive.
Nakaramdam ako ng antok habang paulit-ulit na pine-play ang video namin ni mama. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, nagising na lang ako nang marinig ko ang malakas na kulog at kidlat sa labas. Kasabay non ay ang madilim na paligid ko, mabilis ako napabalikwas ng bangon at sinilip ang cellphone ko. Did I really sleep for almost 10 hours?!
“Oh s**t,.” Mabilis akong bumaba ng kama at binuksan ang ilaw sa kwarto. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto, sana ay gising pa sila auntie.
“Auntie Ness?” Tawag ko kay auntie paglabas ko ng kwarto, ngunit tanging malamlam na ilaw lang ang sumalubong sakin sa baba.
“Ikaw kasi hindi ka nag-iingat tanga kapa din hanggang ngayon?!”
Natigilan ako nang marinig ang boses na ‘yon. It came from the guest room. Mabuti na lang at bahagyang nakabukas ang pinto kaya kita ko ang nasa loob, nakita ko si tito Ares at Lolo. Kahit si lany ay nasa loob din may hawak na cellphone.
“Si papa kasi sinabihan ko na kagabi huwag gumamit. talagang tinago pa sa basement. Ayon huli tuloy siya.” Sabat ni Lany.
“Huwag ka ngang makisali sa matatanda!”
Nakita kong umirap pa si Lany habang nakatutok ang tingin sa cellphone. Si lolo naman ay palakad-lakad sa harap nila na parang hindi mapakali.
“There’s nothing we can do about it, nandiyan na e!” Galit na sabi pa niya habang kinukumpas ang kamay sa hangin.
“Dalaga na pala yung anak nila no? Magandang bata..” Narinig kong sabi ni tito Ares, natigilan ako at bahagyang umatras dahil baka mahuli ako.
“Tumigil ka muna diyan Ares ha, baka nakakalimutan mo na ako ang mauuna doon. I’m just making plans on how to get rid of the Castellinos. Lalo na ang Evander na ‘yan na wala na yatang ginawa kung hindi ang bumuntot kay Peony.” Sambit ni lolo.
“Hindi ba sabi niyo isang linggo na ang nakaraan nang umalis ‘yung lalaking iyon pabalik sa Italy?”
“Huh! Did he really go back there? Eh nagbigay na nga ng wedding invitation card sa pamilya natin nang walang pormal na pamamanhikan!” Galit ang bumadha sa mukha ni lolo, napalunok naman ako kasabay ng panginginig ng kamay ko.
“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa din makuha ang loob nila?”
“How can I do that?! Masyadong matalino ang pamilyang ‘yan, si Sarah nga hindi pumasa sakanila.”
“Pero si Peony gusto e, kung sinunod nyo sana ang plano natin na hayaan natin ang dalawa magsama baka napaikot nyo pa ang utak ng mag-ina.”
“They can take everyone they want from our family, pero hindi ko hahayaang mapunta sakanila si Peony. Hindi ba nila alam kung gaano katagal ang hinintay ko para lang makuha ang batang ‘yon?”
“Huwag kang mag-alala pa, kikilos ako ng palihim sa kabila. Isa pa nabanggit mo naman na mukhang ayaw ni Peony sa anak nila, advantage na natin iyon para hindi siya sumama sakanila. Balik tayo sa unang plano natin.”
Kagat ang labi na tumalikod nang marinig ang pinag-uusapan nila. Isang lunok ang ginawa ko habang paakyat ng hagdan, I didn’t make even the slightest noise.
‘Mga hayop sila!’
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko pagkapasok ko sa kwarto. Kasabay ng panginginig ng laman ko. Alam ko ang ugali nila, pero hindi ko akalain na darating sila sa ganitong punto! Mariin akong pumikit…sana hindi ko hinayaan si mama umalis. Sana pala sumunod agad ako, hindi naman din kasi mangyayari ‘to kung hindi ako bida-bidang bumalik dito.
“No, hindi nila dapat malaman na alam ko na lahat.” Bulong ko, kuyom ang kamao na muli akong tumayo at lumabas ng kwarto.
‘Kailangan kong kausapin si lola..’
Paglabas ko ng kwarto ay sumilip muna ako sa baba ng hagdan, so I could make sure no one was coming. Nang masiguro ko na walang paakyat ay nagtungo ako sa kwarto ni lola. Hindi iyon nakalock, good thing.
“Lola..”
Naabutan ko siyang nakaupo sa wooden chair niya kagaya dati.
“L-lola may gusto po akong sabihin sainyo.” Naiiyak na sabi ko at lumapit sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat.
“Alam nyo po ba kung saan pumunta si mam—
I froze when I felt that cold sensation as I touched Grandma. Kasunod non ay kumabog ang dibdib ko ng sobrang lakas.
“L-lola..”
Naglakad ako para silipin siya sa gilid, hinawi ko ang belong nakatakip sa mukha niya. I gasped when I saw her… it was a corpse wax…