“I’M glad you decided to invite them for a lunch, iho. Hindi ba noon ko pa sinabi sayo na imbitahan mo sila dito?”
Tahimik lang akong kumakain sa dulo ng mesa habang nakikipag-usap sila auntie sa mommy ni Evander. Hindi ko naabutan si lola dahil sinumpong daw ng sakit sabi ni lolo, balak ko na lang sana umuwi pero sa isiping kami lang ni lolo ang nasa ranch ay hindi naman maari. Kahit wala akong ginagawa ayokong mag-isip sila auntie ng kung ano-ano.
“Naiintindihan namin Donya Ophelia, isa pa ay wala pa naman ang ganap na pamamanhikan para magtungo kami dito.” Nakangiting sabi pa nia auntie Linda.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong natigilan si Donya Ophelia.
“Anong ibig mong sabihing pamamanhikan?” Tanong niya, natigilan naman ako sa pagsubo. Wait she have no idea?
“A-ah, si mom mapagbiro. Nasaan nga po si Stefano?” Sumabat si Sarah, bakit pakiramdam ko nililihis niya ang kwento?
“Next month pa ang uwi niya galing sa Italy.”
Nakita ko kung paano magkatinginan sila auntie Linda at Sarah. Napansin ko naman na may dalawang binata na pumasok sa loob ng dining room. They look like a younger version of Evander. Pumunta sila kay Donya Ophelia at humalik sa pisngi pagkatapos ay umupo sa bakanteng upuan sa harap.
“By the way, this is Raphael and Alvaro. Sila ang mga nakababatang kapatid ni Evan ko.”
“Morning.” Tipid na sagot ng Alvaro, palihim ko silang pinanood. Their eyes seem lifeless, kahit sinong mapapatingin sakanila iyon ang iisipin e. Naalala ko tuloy yung sinabi ng katulong sakin tungkol sa mga Castellino.
“Oh, ang gwapo din nila!” Hindi mapigilang puri ni auntie Nessa.
“Yeah well...” Sambit ni donya Ophelia na nilapag pa ang steak knife sa gilid at nagpunas ng labi gamit ang tissue.
“....these kids enjoy unusual activities. Just like their dad, Alvaro loves to hang his pet tarantula everywhere.” Sabi pa niya na tinuro ang isang binata.
“Raphael on the other hand enjoys letting his gecko roam outside then chase it until it ends up in his trap.” Nakatawa pang sabi ng donya.
“Ganyan talaga kapag mga bata pa.” Auntie Georgia chuckled as she said it.
“Iyan din ang inisip ko, pero ang mga kuya nila habang tumatanda nababaliw sa iisang hayop. Kahit itong si Evander ko bata pa lang ay kasama palagi yung alaga niyang bunny.”
Naalala ko yung nangyari kahapon, so talagang alaga nga niya. Nagduda pa ako baka kasi kung ano na yung ginawa niya.
“Oh may alaga kang bunny?” Malawak pa ang ngiting sabi ni Sarah. Hindi niya alam? Well..that’s weird dahil parang dito lang sila nagkakakilala.
“Yes iha, his bunny escapes again and again...” Sabi ng donya habang naghihiwa ng steak. “....and he’s always hunting it. Kahit nasa work siya, basta mabalitaan niyang tumakas ang alaga? Uuwi ‘yan para hanapin lang, binilhan ko ‘yan ng isa pang bunny pero ayaw niya.”
“Aw..that’s cute.” Sabi ni Sarah, gusto ko ng umuwi. Kung alam ko lang na uuwi din pala si Lola sana pala ay nagstay na lang din ako sa bahay.
“Oh by the way, ikaw ba yung tinutukoy ni Evander na kababalik lang sa ranch? Peony right?”
Nag-angat ako ng mukha saka tumango. “Yes po..”
“Are you staying here for good?”
Ngumiti ako saka umiling.
“Babalik din po ako this Saturday, may mga naiwan pa po kasi ako sa Maynila.” Sagot ko. Tumango naman ang donya.
“Well goodluck with that..” She gave me a meaningful smile.
Hindi ko alam kung goodluck ba sa pagbalik ko or what? Hindi ko na lang pinansin iyon, sakto namang nagawi ang tingin ko kay Evander na nakatingin pala sakin. Binawi ko ang tingin ko sakanya na saktong nag-landing din sa dalawang kapatid niya na nakatingin pala sa direksyon ko.
‘Seriously, They make my skin crawl I don’t know why. Tumingin na lang ako sa pinggan ko. Sakto namang dumating na din ang daddy nila Evander para sabihing nagpaiwan si Lolo sa ranch para bantayan si Lola. Kahit pa mag-request akong umuwi mukhang mamaya na lang dahil naiwan doon ang matanda.
Nagtungo naman kami sa pool area nila sa likod lang ng mansion nang matapos kami. The place is so cozy, sa tingin ko ay nakalaan talaga ito para sa mga bisita. Umupo na sila auntie sa rounded table. Wala naman kaming planong maligo, nag-request daw kasi ang donya kung gusto daw namin magstay dito hanggang gabi kahit bukas na kami umuwi. Well, who am I to say no? Nakisabay lang naman ako dito sakanila.
“You made me look stupid Sarah, hindi ba ikaw ang nagsabi sakin na nagprupose si Evander sayo bakit parang walang alam ang donya?!” Narinig kong gigil na bulong ni auntie Linda. Abala naman sila auntie sa pagkuha ng mga litrato sa paligid.
“Mom huwag ka ng magalit, yes hindi pa nagprupose si Evan. Pero don din naman ang tuloy namin hindi ba? Narinig ko si Lolo at ang daddy niya na they’re considering Evander and me for marriage.”
Pailihim akong napailing sa narinig ko, ano ba kasing nagustuhan niya sa lalaking ‘yon?
“Tanga ka talaga, ano na lang ang iisipin ng donya kung natuloy ang tanong ko ha? Nakakahiya ka.”
Naisipan kong umupo sa dulo ng loungue chair para hindi na marinig ang usapan nila. Tumanaw ako sa malawak na gubat, maganda sa paningin ang araw na tumatama dito. Ito ang maganda sa probinsya, kahit tanghaling tapat ay hindi mainit.
“Hindi mo ba narinig si mommy?”
Napalingon ako kay Lany, nakayuko siya sa cellphone niya. Nagtaas siya ng tingin sakin.
“Sabi niya kumuha ka ng warm water sa loob, hindi siya mahilig sa juice.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Walang halong pakiusap sa tinig niya, lumingon ako kina auntie Linda. Nakatingin sla sa direksyon ko habang inaasikaso sila ng mga katulong, bumuga lang ako ng hangin saka tumayo at tumalikod.
“Lakas ng mga loob mang-utos.” Bulong ko habang pabalik sa loob, sinunod ko na lang dahil ayoko na din naman magtalo. Natigilan ako dahil hindi ko nga pala alam kung saan ang direksyon ng kusina dito.
“Oh great..” Usal ko habang ginagala ng tingin ang paligid. Napansin ko ang dalawang katulong na may bitbit na tray na may lamang pancake.
“Hi, saan yung kusina nyo dito? Kukuha lang kasi ako ng warm water.”
Tinuro nila ang direksyon kung saan sila galing.
“Doon lang po ma’am.”
“Thanks!” Nakangiting nagtungo naman ako doon. I’m puzzled, masyadong maraming pinto ang tinuro sakin ng dalawang katulong. Ni isa nga doon ay hindi ko alam kung ano kusina.
“Nasaan na---
“Looking for something?”
Napalingon ako sa nagsalita, nakita ko si Evander sa hallway papalapit sa akin. Napansin kong nakabukas ng bahagya ang butones ng suot niyang white short sleeve polo. Magulo din ang buhok niya habang ang isang kamay ay kung hindi ako nagkakamali ay may stain na kulay pula. Is it blood?
“Oh, nakatakas na naman kasi ang alaga ko.” Sabi niya at pinunasan ng white clot ang kamay. “....she fell into my brother's trap, ginamot ko lang ang sugat niya.” Paliwanag niya pa.
“Nasaan yung kusina nyo?” Tanong ko na lang, tumaas ang mukha niya habang nakatingin sakin. Patuloy pa din siya sa pagpupunas ng kamay.
“Come with me..” Sabi niya saka tumalikod. Kumibot ang labi ko at nag-aalangan na sumunod sakanya. He has a muscular and well-defined physique, which I can clearly see through his polo. Mabilis kong inalis ang tingin sakanya dahil alam ko ang pakiramdam kapag may tumitingin. I don’t want him to assume I’m checking him out.
“Here..” Baling niya sakin paghinto namin sa isang sliding door. He’s right, nauna akong pumasok sa loob at kumuha ng tubig. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko na tumayo pa siya sa gilid ko.
“Thanks..” Sabi ko na lang at akmang tatalikod, humarang siya sa harapan ko. Nagtatakang tiningala ko siya.
“Can I ask you something?”
Nagsalubong ang kilay ko. “Ano ‘yon?”
“How many exes do you have?”
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya, tinignan ko siya from head to toe.
“It’s none of your business.” Akmang lalagpasan ko siya nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko. Bahagya pang natapon ang tubig na hawak ko.
“Mas lalo mo akong binibigyan ng rason Peony para mapalapit sayo.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Ano bang pakialam mo sakin? Perhaps you’ve forgotten that you’re Sarah’s fiancé and she’s my cousin.”
“And who told you that we’re in a relationship?” There’s a playful smirk on his lips. Binawi ko ang braso ko sakanya.
“Can you please leave me alone?” Inirapan ko siya at muling tumalikod, ngunit hindi pa ako nakakalapit sa pinto nang muli na naman niyang hilahin ang braso ko. This time, he grabbed me in a very aggressive way. Sinandal niya ako sa malaking ref, nahulog pa ang ilang nakadisplay doon.
“What the---
“I dare you Peony...” Napasinghap ako nang ilapit niya ang katawan sakin habang hawak niya ang dalawang kamay ko sa likuran ko.
“Get--off me!”
“Say it again..” He barely whispered it, dama ko ang hininga niya na tumatama sa mukha ko. His breath smells sweet and fresh like a mint.
“Inutos na ba ni sir sayo yung mga kurtina dadalhin sa katabi niyang kwarto?”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mga boses na iyon.
“Please let go off me Evander.” I am almost begging, nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang nakayuko sakin. Ayokong maging issue agad!
“You’ve finally said my name.” Sambit niya at bigla akong hinawakan sa kamay. Bago pa ako makapagsalita ay hinila niya ako papasok sa isang pinto...