Chapter 28: Friends Baekhyun's POV "Kailan pa?" Sabi ni Luhan. Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung ano yung kailan na yun? -__- Andito kami sa may veranda ng kwarto ko. Hinayaan kami ni Crista na i-settle ang issue na 'to. Ayaw rin naman niyang makialam dahil busy raw siya at naubusan raw siya ng advices. -____- Kahit kailan talaga.. Lagi nalang siya ang naghahanap ng paraan para malunasan ang isang problema. "*sigh* Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa sakit niya?" Sabi niya. "Last, last week.." Sabi ko. "Niyaya ko siyang lumabas noon. Friendly date. Alam mo namang sumuko na ako diba? Ayokong lumaban. Kaya ayun, naging magkaibigan kami. Alam kong alam mo yun. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko eh. Obvious naman na ikaw ang mahal niya." Sabi ko. "Nung araw ring yun, bigla nalang si

