Chapter 47: Minahal 3rd Person's POV "Ayusin niyo trabaho niyo. Kailangang bugbog sarado yun ha." Sabi ni Tao sa kausap niya. Binaba na niya ang tawag at nilaro-laro lang yung cellphone niya. Eto yung business na kailangan niyang asekasuhin. "Hay nako, Clein." Napailing nalang si Tao. Ilang minuto pa ay nakatanggap siya ulit ng tawag galing sa kausap niya kanina. "Boss, wala na po siyang malay." "Madugo ba?" (Tao) "Oo boss. Pero, nabalian po yung lima sa kasama namin. Halos mamatay naman po yung dalawa." "Tss. Dalhin mo nalang sa hospital. Nadala mo na ba siya sa PCH?" (Tao) "Yes boss." "Good." Binaba na ni Tao yung tawag. Napa-smirk si Tao. Mabuti pa ang role niya sa plano ng mga ugok na yun, pulido at walang palpak. - "Sh*t! CLEIN! ANONG NANGYARI SAYO?!" Agad na napatakbo

