Chapter 13: Cry Crista's POV "One.. Two.. Three!" Lahat kami ay nagsipagtakbuhan at iniwan si Clein dun sa sala. 3:07am na. At alam niyo naman kung anong meron kapag 3:07 diba? Nanuod kasi kami ng movie. Hindi lang isa kundi tatlo. Una yung Charlie and The Chocolate Factory. Sunod naman yung Dude, where's my car? At yung sunod? Abah syempre! Ang pinaka-favorite namin na The Conjuring! ^______^ Kaya nga eto kami ngayon. Naglalaro ng HIDE AND CLAP. Kung di niyo alam kung ano yun, i-google niyo nalang! Hahaha! Pero joke lang. I-eexplain ko sainyo. Yung Hide and Clap, yun yung laro ng mga bata sa movie na "The Conjuring". Nakapiring yung taya habang hahanapin niya yung mga kasama niya. Tapos yung mga kasama naman niya ay biglang magcclap para malaman nung taya kung saan sila. Ma

