Chapter 10: Aso't Ulan Crista's POV Walangyang almo na yun. Buwisit siya! BUWISIT! Ano ba talagang problema niya?! Ganun ba talaga siya?! Pinaglihi ba siya sa sili at ganun kaanghang ng mga lumalabas sa bunganga niya?! Leche! Sa tana ng buhay ko. Ngayon lang ako nainis ulit! Paksyet siya! Naglakad lang ako pauwi. Lintek na buhay 'to. Nilabas ko yung sama ng loob ko sa paglalakad. Ilang milya rin ang layo ng Adameon High sa bahay namin. Pero kahit anong lakad ko. Di pa rin mawala-wala 'tong inis na nararamdaman ko sa antipatikong almo na yun! >_____________> Bwiset na demonyong almo ka. "Ang laki ng bahay na 'to. Ninakaw mo?" Sabi niya. Nak ng.. "UMALIS KA DITO!" Lintek lang. Kumukulo dugo ko sa lalakeng 'to! "Hindi pwede. Wala akong mapupuntahan." Umupo siya sa sala with m

