Chapter 55: Love 3rd Person's POV Isang panibagong araw para sa lahat ng estudyante sa Adameon High. Ang iba ay nagmamadali dahil huli na sila sa first period ng class nila. Ang iba naman ay nagkukulitan at naghahabulan. May iba pa nga na naglalandian. Sabay-sabay na pumasok ang magbabarkada. Well, yung mga walang lovelife nga lang. Si Adrien kasi, sinundo si Caralee sa bahay nila. Sabay silang pumasok at kanina pa sila nasa room nila. "Labs, tignan ko yung assignment mo sa Math. Baka kasi mali yung akin eh." Sabi ni Caralee. "Ikaw? Magkakamali? Eh mas matalino ka pa nga kaysa sakin pagdating sa Math eh." Sabi ni Adrein. Nilabas niya yung assignment nila sa Math at kinumpara ang mga sagot nila. "Labs! Bakit X=5 'to? Diba dapat X=10?" Sabi ni Caralee. "Talaga, Labs? Eh yan yung

