SA HINABA-HABA man ng panahon ay sa simbahan din ang tuloy ni Clarisa. Bilang isang bride at hindi ang pinapangarap niyang groom. Ang lahat ng iyon ay bumaliktad at inilagay siya ng kapalaran sa tamang landas. "Finally, kumpadre ay natupad na rin ang ating pinapangarap," galak na wika ng Gov. Montero. "Yes kumpadre. Sabi ko na sayo at darating ang pagkakataong ito. Take note, kumpadre magkakaapo na tayo," masayang tugon ni Don Clavio. "Oo nga, kumpadre ang bilis talaga nitong anak ko. Paano niya kaya iyon ginawa? Mahirap isipin lalo na at mailap pa ang iyong anak." "Tamang deskarte lang iyon kumpadre. Hindi ka pa ba bilib sa lahi mo!" natatawang sabi ng Don. "Siya nga pala, ready na rin ang lilipatan nilang bahay na hindi naman nalalayo dito sa pag-aari mo," ani Gov. Montero. "Yap

