Chapter 22

1237 Words
Unstoppable ang nararamdaman ko para kay Aira ngayon. Kahit buhay ay handa kong itaya para sa kanya. Nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ko habang nasa byahe kami papuntang Baguio. Ito na ang araw na pinangako ko sa kanila na ipasyal doon. Hinayaan ko siyang makatulog hanggang sa makarating kami roon. Nakahanda na rin ang hotel na tutuluyan namin roon. Hindi kami pwedeng tumuloy sa mansion dahil maraming tauhan si Daddy. Iwas stress rin sa mga pag-uusisa ng dalawa kong kasama. Hindi pa rin nila alam ang totoo kung pagkatao. Ang sinabi ko lang ay mayaman ang tiyuhin ko na siyang makakatulong sa kanyang problema. Alam kung mali ngunit hindi ko maaaring ipagmayabang na isa akong Solano. Nakadikit na sa akin ang pangalang iyan na mas kilala sa Baguio. Tanghaling tapat ay agad kaming nagtungo sa isang batis na kilala sa aming lugar. Dahil sa mahabang byahe ay doon mas makakapagrelax kami sa tubig hanggang sa pagsapit ng hapon. Patuloy si Aira sa paglalangoy sa batis. Lusong dito, ahon doon. Paulit-ulit niyang ginawa iyon ng walang kapaguran. Natutuwa akong makita siyang nagsasaya sa tubig. Kakaibang experience na malayo sa karahasan. Ang kanyang paglalangoy sa batis ay isang malayang sandali ng kanyang buhay. Ang pagiging malaya ng isang tao ay nagbibigay ng kapayapaan sa pag-iisip kaya iyon ang ninanais kong mangyari para sa kanya. Pinagmasadan ko lamang silang dalawa na humiga siya sa bato nang makaramdam ng kaunting hingal sa paglalangoy. Pinaghanda ko na lang sila ng makakain habang nagpapahinga. HABANG nakahiga kami sa bato ay biglang pumasok sa isipan ko ang asawa. Napag-alaman kong sumama ito sa babaeng hindi ko alam kung sino. Hindi ko na rin hinangad na ipaglaban pa ang pagigong asawa niya gayong nais ko nang humiwalay sa kanua. Ang hanapin ko na lang ang lalaking handang magbuhis ng buhay para sa akin. Bumuntong-hininga ako sa bagay na iyon. Napalingon ako kay Clark na abala sa paghahanda ng mesa. Hindi man siya tunay na lalaki ngunit unti-unti akong nahuhulog sa kanya. Higit pa lalaki ang pagkatao niya. Handa siyang gawin ang lahat para lang mapasaya ang isang katulad ko. Sobrang sweet niya rin at maalaga. Sa aking pagmumuni-muni ay napalingon ako sa isang ingay na parang sumisitsit sa akin. Inakala kong si Clark iyon o kaya'y si Bea na katabi ko lang. Sa paghahagilap ng mata ko sa ingay na iyon ay isang malakas na tili ang kumawala sa akin nang makita ang isang maliit na ahas. "Hey... What happen?" gulat na tanong ni Bea. Nilukob ako ng takot kahit isang maliit na ahas ang nasa katabing bato na aming hinihigaan ni Bea. Kahit isang kurap ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung makakadilat pa ba kapag isinara ko ang mga mata. "B-Bea, may... may ahas!" nauutal kong tugon. Isa naman si Bea na matatakutin kaya ganoon na lang kalakas ang tili nito. Sinundan pa niya ng sigaw kay Clark para tulungan kami. Napaigtad naman si Clark sa narinig kaya dali-dali siyang lumapit sa amin. Wala siyang inaksayang oras at naghanap siya ng patpat na pamalo rito. Maliit lamang ito kaya hindi naman ganoon ka delikado. Sa isang palo lamang niya ang nangisay agad ang ahas. Lalong napasigaw si Bea nang makitang lumilingkis at gumugulong ang katawan ng ahas na malapit lamang sa kanyang inupuan. Hindi napigilan ni Bea ang sobrang takot at napatakip siya ng mukha. Naghahalong kaba, takot ang lumukob sa amin ngunit hindi naman iyon nakapagtataka dahil nasa gubat kami. Lumapit naman si Clark at sinuri ang paligid at baka may iba pang ligaw na hayop ang nasa tabi lamang. Ang mga ahas ay mahilig sa malamig na paligid at tubig. Binalingan ako ni Clark na kalmado lamang siyang pinagmasdan. Tunay nga siyang hero ng buhay ko. "Are you alright?" Napatango ako sa kanya na niyakap siya nang tumabi sa akin. Unexpected naman ang ginawa ko pero iyon ay dahil sa sobrang pasasalamat sa ginawa niya. Pareho naming dinama ang init ng katawan. Kahit basang-basa ako ay hindi ito alintana ni Clark at nangingibabaw ang init ng kanilang katawan. I was enjoying sa mga bisig niya. Parang safe na safe ako. Habang dinadama ko ang pagkakayakap kay Clark ay hindi ko alam kung gaano katagal iyon. Ngunit isang malakas na pwersa ang tumulak sa akin upang bumitaw sa pagkakayakap kay Clark. "I-I'm so scared. I nerd some hug too." Nanginginig pa rin sa takot si Bea kahit wala na ang ahas. "Sshhh... You're safe now! Just calm down," pampakalmang wika ni Clark rito. I hugged her kahit nagpupumiglas ito sa akin. Nagulat naman ako sa kanya at tila umaarte lamang ito. "Ang sarap pala nang may nakayakap sayo!" Napatitig ako sa kanya na para bang pinaparinggan ako. Mahina ko siyang kinurot sa mapanudyong wika nito. "Ang unfair lang dahil ako ang walang partner rito para may mga braso din sanang yayakap sa akin kapag natatakot ako." Umirap si Bea matapos niyang sahibin iyon. Perfect kasi ang place sa mga magpartner lalo na kapag ganito ka peaceful ang place. "Clark hanapan mo nga si Bea ng magiging partner dito iyong mga katutubong tao dito sa bundok para maiba naman," saad ko. Ngumisi naman si Clark sa sinabi kong iyon.Wala naman akong ibang intention kundi sakyan ang biro ni Bea. "Grabi ka naman friend, wala na bang iba iyong may dating naman sana," nakangusong angal ni Bea. Napatawa naman ako. Something like different ways of happiness kahit kaming tatlo lamang magkasama. "Ahm, pwede rin naman. Maraming katutubo akong kilala na available pa hanggang ngayon at naghahanap ng magiging kasintahan. Aba'y swerte ka sa mga iyon Bea dahil ang sipag nila magtrabaho. Maituturing reyna ka pa ng kanilang lahi sa ganda mong iyan," panunudyo naman ni Clark. "Hey! Tumigil na kayo sa kakabiro sa akin. Ayaw ko na lang maghanap ng taong yayakap sa akin. Hintayin ko na lang ang hero ko na dumating at babalik ako rito na kasama siya para hindi ako maiinggit sa inyo," aniya. Tila naging isip-bata na asal ni Bea. Patuloy naman ang panunudyo sa kanya ni Clark na ikinatuwa ko pa lalo. "Sana all kayong dalawa. Lulusong na nga lang ako sa tubig para mawala ang inggit ko at magkaroon kayo ng privacy na mag-usap na dalawa," turan ni Bea na iniwan kami. Napangiti na lang akong niyakap si Clark habang tinatanaw si Bea na bumalik sa tubig. "Takot ka pa ba?" "Hindi na. Alam kong ligtas ako kapag ikaw ang kasama ko," tugon ko. Basang-basa ang suot ko dahil sa paglalangoy ngunit umaalab ng init ang aming katawan. She offered no resistance. I let Clark to kiss me gently on my cheek at first. And then I slowly intertwined our fingers. Clark left arms wrapped around my waist and hugged me tighter. She is trying to get closer to me as much as possible. Habang nawawala na ako sa sariling katinuan. Hindi ko nararamdaman ang malakas na hangin ang humahampas sa paligid. Tanging ang init ng katawan ang namamayani sa pagitan naming dalawa. I finally accepted her kahit walang namutawing salita na nagbibigay sa kanya ng assurance para maging kami. Marami siyang ginawa sa akin na hindi ko man lang inaashan na mangyari. I fall to her not just because of what he did. Pinakita lamang niya na mas karapat-dapat siyang bigyan ng pagkakataon kaysa sa asawa kong demonyo. I found myself falling in love with her at iyon ay hindi ko maitatanggi sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD