"CLARISA... CLARISA!"
Hinahanap ko ang boses na tumatawag sa akin. Parang nasa malayo ito at hindi ko mahagilap ang kanyang kinaroroonan. Nagtatakbo ako sa isang lugar na hindi ko kailan man alam kung nasaan ako. Wala akong nakikitang tao ay kahit ano sa paligid.
"Clarisa, gumising ka na! Isang linggo ka ng natutulog dito sa hospital," anang boses ng isang matanda.
"Sino ka at magpakita ka sa akin?"
Patuloy ako sa pagtakbo na walang tigil. Hindi ko maiintindihan ang paligid kung bakit wala akong makitang mga tao.
Sa pagtakbo ko ng matulin ay hindi ko napansin ang isang bangin. Sa paghakbang ko pa ay nahulog ako. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere ng mga oras na iyon. Ngunit tila nalula ako at biglang napakislot ng malakas.
Para akong bolang tumalsik sa lakas niyon. Doon ko naimulat ang mga mata na hingal pa rin sa naganap. Isang nakakasilaw na liwanag ang deretsahang tumama sa mga mata ko kaya muli ko itong pinikit. Sinanay ko sa pagbukas at pikit ang mga mata para hindi na maninibago sa ilaw.
"Ay, salamat sa Diyos at nagising ka na!" anang boses ng matanda na pamilyar sa akin.
Bigla akong napadilat at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Sinuyod ko muna ng paningin ang magarang silid na kinaroroonan ko. Doon naman tumambad sa akin si Manang Lita na nag-alala ang mukha.
Napabangon ako sa gulat na makita siya. I'm not expected na nasa Baguio na pala ako at kailan pa. Pilit kong binalikan ang alaala.
"Manang, anong nangyari sa akin?" takang tanong ko sa matanda na halos hindi pa rin maalala ang nangyari.
"Isinugod ka rito sa hospital, ngunit wala akong alam sa nangyari sayo. Isang linggo ka na rito at ang sabi ng doktor ay natutulog ka lang dahil sa mga gamot na itinurok sayo. Matindi kasi ang inabot mong pasa at halos akalain namin na patay ka na," salaysay pa nito.
"Huh!"
Hindi makapaniwalang kwento ng matanda gayong wala akong naalala na kahit anong bagay. Kung ito man ay amnesia bakit ko nakikilala ang matanda.
"Sandali Manang, ano ba raw ang dahil sa pagkaka-ospital sa akin?"
"Bakit hindi mo naalala ang nangyari sayo sa Maynila?" balik tanong niya sa akin.
Umiling ako nang walang pumasok sa isipan ko na kahit ano. Hinawakan ko ang ulo na tila kay bigat. Doon ko nahawakan ang bandage na nakabalot sa ulo ko.
Nauntog ba kaya ako? Ang daming naglalarong tanong sa sarili ngunit hirap sa mga kasagutan. Ngunit may lungkot akong nararamdaman ngunit hindi ko rin alam ang dahilan
"Hindi Manang, wala akong naalala at bukod pa ay hirap akong alalahanin. Parang bang may nabura sa nakaraan ko at hindi ko mabalikan ang naganap," frustrated kong tugon sa matanda.
"O' siya magpahinga ka na lang ulit at ang Daddy mo na ang magpapaliwanag sayo sa lahat. Simula kasi nang isugod ka niya rito ay wala pa siyang naekwento sa akin tungkol sa nangyayari sayo sa Maynila," aniya.
Mula na ako sa mahabang pagkakatulog at hindi ko nararamdaman ang anong antok. Gusto kong balikan ang alaalang nabura para alam ko kung bakit ako naririto sa hospital ngayon.
"Manang, pasuyo naman kay Daddy na ilabas na ako ng hospital para makauwi na. Ayaw ko na manatili pa rito sa hospital gayong maayos naman na ang pakiramdam ko," mahinang pakiusap ko sa kanya.
"Okay, pansamantala kitang iiwan sa ngayon para kausapin ang Daddy mo. Huwag mo na munang alalahanin ang lahat at magrelax muna ng isipan. Gayong alam ko na nasa maayos ka na ay kampanti na ako. Ang mabuti pa ay matulog kang muli baka sakaling maalala mo ang lahat," mahabang saad niya.
"Sige po, pipilitin ko!" patango kong tugon.
Paglabas ng matanda ay nahirapan ako matulog muli. Dilat ang mata kong nakatitig sa kisami. Paanong nangyari na wala akong maalala sa nakalipas ng isang linggo?
Bumangon akong muli at pinagmasdan ng maigi ang sarili. May mga bakas pa ng pasa ngunit wala na akong maramdamang sakit mula rito. Tanging karayom lamang na nakakabit sa kaliwang kamay ko ang may mumunting sakit dahil sa dextrose na nakakabit sa akin.
Muli akong napahiga at kinalma ang sarili. Hindi makakatulong sa akin ang mag-isip lalo lamang akong mahihirapan. Sundin ko na lang ang payo ng matanda baka nga sakaling maibalik nito ang nabura kong alaala.
DUMATING sa mansion ang mga tauhan ni Clavio, na siyang inutusan niya. Nang matagpuan ng mga ito si Clarisa sa basurahan ay mariin niyang ipinag-utos na mangalap ng impormasyon patungkol sa anak.
Alam niya ang kinasasadlakan ni Clarisa ngunit biglaan ang nangyari. Hindi siya agad narespondi noong nagpadala ng mensahi si Clarisa sa kanya.
"Don Clavio, wala na po sa bansa si Mr. Villanueva at ang asawa nito. Ayon sa aming nakalap ay umalis po ito ng bansa right after we saw Clarisa," wika ni Manuel.
Isa sa pinuno ng kanyang mga tauhan at personal bodyguard na isang sundalo. Ang mga tauhan nito ay mga nagsanay bilang mga sundalo at inangkat niya para maging personal bodyguards.
"That sounds good. Wala naman tayong habol roon sa pamilya dahil ang anak ko ang may kasalanan," ani Clavio na ikinatuwa ang pag-alis ng pamilya Villanueva.
Maging sagabal lamang sa kanyang plano ang babaeng inibig ng anak. Mas maisakatuparan na nito ang pagkakakasal ni Clarisa sa anak ng kaibigan.
"Ano po ang sunod niyong ipag-uutos Don Clavio?"
"Sunduin niyo si Simon at ang mga kaibigan niya para dumito sa Baguio!"
Sa pag-uusap ng mga ito ay siya namang pagdating sa mansion ng mayordomang si Lita. Dumeretso ito kaagad kay Don Clavio para ipaalam ang nais ni Clarisa.
"Don Clavio, nagising na si Clarisa at gusto na nitong umuwi," wika ng matanda.
Tumango ang ama ni Clarisa at sandaling natahimik. Binalingan niya ang mga tauhan na hindi pa nakakaalis at naghihintay ng kanyang basbas.
"Manuel, unahin mo muna ang paglabas ng anak ko at ihatid niyo siya rito sa bahay. Saka na kayo luluwas ng Maynila kapag naihatid niyo si Clarisa rito!" utos ng Don.
"Masusunod po Don Clavio!"
Agad na tumalima ang mga tauhan nito at naiwan ang matanda na mayroon pang sasabihin sa kanya.
"Kumusta ang anak ko?"
"Maayos naman siya at malakas na rin. Ngunit wala siyang maalala sa naganap sa kanya doon sa Maynila," sagot ng matanda.
"Hmmm... Good, hindi na tayo mahihirapan sa ngayon lalo at hindi pa siya lubusang magaling," anito.
"Iyon din ang pinapasalamatan ko lalo at may kapusukan itong bata."
"Ipaghanda mo na lang siya ng pagkaing nararapat sa kanya at ayusin niyo ang kanyang silid para mas gumaan ang kanyang pagbabalik dito!"
"Ako na ang bahala riyan Don Clavio. Marami iyon na tanong sayo at bahala ka na sa kanya mamaya kapag nagkausap kayo."
"Leave it that to me at ako na ang magpapaliwanag sa kanya. Natitiyak kong hindi agad niya maalala ang lahat kaya don't worry about her. Matatanggap niya rin ang katotohanan balang araw."
Sa pansamantalang pagkawala ng alaala ng anak ay naisipan niyang umiksena. Dito niya paglapitin ang anak sa lalaking na nakatakdang ipakasal. Pagkakataon na rin ni Clavio gayong iniwan ng babae ang anak at pinili ang asawa nito. Iyon naman ang nararapat at hindi ang pagpili sa maling taong iibigin.