Chapter 4

4955 Words
SA KUSINA ay tila nanigas si Clarissa habang nakatingin siya kay Aira na papasok. Ang hindi niya naisip ay tumindi pa ang pagkakahumaling niya rito dahil magkakasama sila sa iisang bahay. Pilit niyang nilalabanan ang sariling damdamin dahil mali ang magkagusto siya sa asawa ng kanyang amo. Para bang kinakalabog ang kanyang dibdib sa kaba at nawawala siya sa sariling katinuan. Aira is just a simple woman but elegent ang ganda. Iyong tipong natural lang ang gandang pinapakita. “Hi, good morning!” Paunang bungad nito na nilagpasan si Clarissa at tinungo ang water spencer. Nagsalin ito sa baso ng pinaghalong malamig at mainit na tubig upang makakuha ng consistency. Pagkatapos niyang inumin ang maligamgam na tubig ay saka niya hinarap si Clarissa na tulala pa rin siyang tinitigan. “Hey, are you okay?” Papasok na rin sa kusina si Farah ng mga oras na iyon nang magtanong si Aira. Napansin niyang wala pa ring imik itong si Clarissa na nakatitig kay Aira. Agad niyang inapakan ang paa nito para magising ito sa pagkakatulala. “Arayyy…” Bahagyang napatalon si Clarissa dahil sa pag-apak sa kanya ni Farah. Nilapag naman ng dalaga ang dalang tray sa mesa at hinarap si Clarissa. “Oh’ my God, sorry po Kuya Clark! Nakatuon kasi kay Ma’am Aira ang paningin ko kaya hindi kita napansin,” aligaga na anas ni Farah habang hinihipan ang paa ni Clarissa. “Okay…okay stop that!” Nahihiyang pinatigil ni Clarissa si Farah na halata namang sinadya ng dalaga. Lumapit pa ng mas malapitan si Aira sa kanila para tiyakin na ayos lang ito. “Are you really okay?” muli niyang tanong dito. “Y-Yes, ma’am. Pasensya ka na sa inasal ko kanina at talagang na humahanga lang ako sayo,” ani Clarissa. “Thank you but which thing you admire me?” kunot na noon a tanong nito. “K-Kasi Ma’am Aira narinig niya ang boses mo kanina habang kumakanta ka sa balcony,” sabat naman ni Farah. “Totoo Ma’am, ang galing mo kasi kumanta,kaya nang makita kita ay natulala ako.” Oh’ I see, well thanks. By the way maiwan ko na kayo,” aniya na akma silang tatalikuran. “Sandali lang Ma’am. Hindi ka ba magpahanda ng pagkain na gusto mong kainin?” tanong ni Farah. “No thanks. Sandwich is enough for me!” Nang makatalikod si Aira ay siya namang nakahinga ng maluwag si Farah. Hinarap niya ang Kuya Clark na nakataas ang kilay. Mabuti na lang at dumating siya sa kusina dahil kung iba pa ang nakakita kay Clarissa ay paniguradong paghihinalaan siya nito. “Kuya Clark, umamin ka nga!” “Ang alin?” pagtatakang tanong ni Clarissa. “Hmm…may gusto ka ano?” “Ano?” Nakapamaywang pang tapatan na tinanong ng dalaga si Clarissa sa mga napapansin niyang kakaiba sa galaw nito. Hindi naman namalayan ng dalawa ang pagpasok ng Ginang na nagtataka sa naabutang eksena ng dalawa. “Farah! Anong pinag-uusapan niyo?” Sa gulat naman ni Farah ay agad niyang dinampot ang tray na nilapag niya sa mesa. Nang mahimigan niya ang ina ay nagkunwari siyang pinupunas sa mesa ang hawak na bagay. Iniiwasan niyang malaman ng ina ang napipintong usapan sana nila ni Clarissa. “Wala naman Nay, ito kasi si Kuya Clark at binibiro ko,” ani Farah na mapaklang ngumiti sa ina. Ngunit lalo lamang tumaas ang kilay ni Ginang Marcela sa sinabi nito. Ang mas nakakahalata sa kilos ng dalaga ay ang makita ng ina na pinupunas ang tray na hawak nito. “E’ bakit ba tense ka? Hindi basahan iyang hawak mo para ipunas diyan sa mesa. Tingnan mo gasgas na ‘yang mesa!” Napatawa na lang si Clarissa sa nakita at sinakyan ang ginang para asarin si Farah. Agad naman siyang nakaisip ng bagay ibato para lumihis sa totoong usapan. “Ayan kasi panay ang tulak niya sa akin sa anak ni Mang Iyo na isang binabae, pero ang totoo ay siya ang may gusto roon!” Natatawa si Clarissa na kinindatan ang dalaga na humaba naman ang nguso nito. Gulat naman ang ina sa hindi inaasahan na magkakaroon ng ng crush ang dalagitang anak. “Ikaw na bata ka sa dinami-dami ng maaari mong hangaan na lalaki ay iyon pa ang anak ni Iyo na halos pareho lang kayo ng gusto,” bulalas ni Ginang Marcela. “Nay naman, nagpapaniwala ka diyan kay-" Hindi na niya magawang ituloy ang sasabihin nang dilatan siya ng mga mata ng ina. Nagpapadyak na lang siyang inayos ang trabaho para hindi na humaba ang pag-uusisa ng ina. “O’ siya balik na kayo sa trabaho bago pa kayo malintikan ni sir Joem, ingat kayo kapag nasa bahay ito,” pabulong na saad ni Ginang Marcela. “Masusunod po Ginang Marcela, si Farah kasi ang daldal,” may paninisi na tugon ni Clarissa. Hindi naman niya intesyon na gawin iyon ngunit sadya niya lang na asarin si Farah. Iyon naman ang madalas nilang gawain lalo na kapag nag-iiwas sila sa pinag-uusapan. “Oo nga pala Kuya Clark tawag ka pala ni Kuya Leonard, mayroon daw siyang sasabihin sayo,” saad ni Farah. “Huh, para saan daw?” “Aba’y ewan ko. Ang mabuti pa ay puntahan mo na lang,” aniya na inirapan si Clarissa. “Sige puntahan ko na lang. Maiwan ko na po kayo Ginang Marcela,” paalam niya na sinulyapan si Farah. Agad namang tinungo ni Clarissa ang guard house kung saan naka-asign si Leonard. May oras pa naman siya para makipag-usap sa kasama bago sila aalis ng kanyang amo. Ito na yata ang pinaka-challenge sa kanyang pagmamaneho ang makasama ang masungit niyang amo. Nang makarating siya sa pwesto ni Leornard ay tinawag niya ito. Nilingon naman siya ng kasama na nakangiti siyang makita. Tila ba alam nito na darating siya at iyon naman ang inaasahan niya. Nowadays naging tampulan siya ng tukso nitong si Leonard dahil sa kanyang kasarian. Clarissa used to it dahil mas magaling pa ang katulad niya kung manligaw sa mga babae. “Hi my bebe!” Paunang bati nito na may kasamang panunudyo. Kung hindi lang niya talaga kilala itong si Leonard ay paniguradong nasampulan na niya ito. “Tarantado, tatawagin mo pa akong itik. Siguro naliliitan ka na sa akin ano?” matigas na boses niyang bara kay Leonard. Lalo namang humagalpak sa tawa itong si Leonard na ganadong gawin ang pang-aasar dito kay Clarissa. Naikuyom na lang ni Clarissa ang mga kamao at tila ba umaabot na siya sa sukdulan ng kanyang pasensya. “Tama na iyan! Bakit mo nga ba ako pinatawag?” seryosong tanong niya. Tumitig lamang itong si Leonard sa kanya na may pagtataka ngunit imbes na sagutin siya ay ngumiti itong muli sa kanya. “Ahm, gusto lang kasi kitang makita at maipadama ang nakatagong saloobin dito sa puso ko. Alam mo bang matagal na kitang hinihintay. Alam mo bang matagal na kitang nais makaisang dibdib,” saad naman ng binata. “Punyeta ka talaga Leonard! Sana bumara diyan sa lalamunan mo ang nakatagong saloobin mo para tuluyan ng magwakas iyang kahibangan mo. Maghunos-dili ka nga at baka biglang kumidlat sa tirik ng araw ngayong umaga. Magyayari lang ‘yan kapag pumuti ang uwak!” Tuluyan ng napuno si Clarissa sa mga pang-aasar ni Leonard. Babae ang gusto niyang makasama sa buhay at iyon ang dahilan kung bakit iniwan niya ang marangyang buhay na kinalakihan. “Pikon agad! Nagsasanay lang naman ako para sa liligawan kong babae,” depensa naman nito. “Anak ka ng pusang gala, ako pa talaga ang pinagsampulan mo!” “Oo naman wala namang masama ah! Siya nga pala hindi naman kita pinatawag, sino ba may sabing gusto kitang makausap?” “Ano? Hindi mo ba talaga ako titigilan ha!” “Oppss… kalma lang. Totoo ang sinabi ko, hindi kita pinatawag!” Itinaas nito ang dalawang kamay para ipabatid ang pagsuko sa nakaambang galit ni Clarissa. Doon lamang napagtanto ni Clarissa na nauto siya ni Farah. Marahil ay gumanti ang dalaga sa kanyang ginawang kalokohan sa harap ng ina nito. Napasapo siya ng noo nang hindi niya iyon naisip. Kaya pala ganoon na lang ang mga tingin sa kanya ni Farah habang paalis sa harapan nng mga ito. Akma siyang magsalitang muli nang pareho silang napakislot sa isang dumadagundong na tawag. Agad na tumakbo si Clarissa na dinig niya ang malakas na yabag ng kanyang mga hakbang sa pagtakbo. Napailing na lang si Leonard na pinagmasdan ang tila kabayong lakas ni Clarissa. Daig pa siya nito dahil sa naglalakihang braso. PARA AKONG sinilihan sa puwet nang sumigaw ang dragon kong amo. Ngunit nagtataka lamang ako at hindi naman ang pangalan ko ang tinatawag. Gusto kong huminto sa pagtatakbo dahil ibang pangalan ang sinasambit niya. “Lesbi!” muli nitong tawag. Hindi ako nagkamali sa narinig, at tuluyan na akong huminto sa pagtatakbo nang hindi naman ang pangalan ko ang tinatawag. Sa pagtatanto ko ay wala namang isa sa amin ang nagngangalan ng Lesbi. Bahagya pa rin akong lumapit sa sala kung saan ko siya naririnig na nagsisigaw. “Sir, sino ba ang iyong tinatawag?” tanong ni Ginang Marcela nang mabungaran ko sila sa sala. “Ang driver natin, sino pa ba? Nasaan siya at kailangan ko ng umalis,” galit na tugon nito. “Sir Joem, Clarissa ang kanyang pangalan,” mahinahong wika ni Ginang Marcela. “I forget her name so, where she is now?” Aligaga pa sana ang matanda na hanapin ako ngunit natanaw na nila akong papalapit. Habang papalapit ako sa kanila ay hindi ko maiwasang tanungin kung bakit ba Lesbi ang tinawag niya sa akin? May kaunting kaba akong nadarama dahil mabagsik pala itong amo kong dragon. “Putcha papakainin yata ako ng apoy nito,” hiyaw ng aking isipan. “Oh, here you came!” Maangas na turo nito sa akin. Pigil hininga naman ako sa pinaghalong emosyon. Kahit ano pa aman ang kanyang sasabihin ay hindi ako magpapatinag at mapapanatili pa ang pagpakumbaba. “Yes sir, sorry at hindi ko kaagad napansin na ako pala ang tinatawag mo.” “You fool! Maging maalam ka sa sususnod. Alam kong walang Lesbi names sa mga tauhan dito sa mansion ngunit hindi mo ba naisip kung bakit Lesbi ha?” galit na tanong nito. Malapit na talaga lumabas ang apoy sa bunganga nito at namimilog na mga mata sa galit. Noong ibinubuntis yata ito ng kanyang ina ay madalas sigurong galit o malaki lang ang galit sa mundo dahil sagad itong amo ko kung manermon kahit naman walang dapat ikagalit. “H-Hindi sir, pasensya na po kong hindi ko mahulaan ang nasa iyong isipan,” tugon ko dito. “Well, let me enlighten you, Lesbi means Lesbian. Iyan naman ang kasarian niyo di ba? And from now on your neckname is Lesbi dahil nahihirapan akong banggitin ang pangalan mo. Now move and we need to go,” anito sabay talikod sa amin ni Ginang Marcela. “Yes sir,” mahina kong tugon kahit bahagya na siyang nakalayo sa amin. Nagkatinginan na lamang kami ng matanda at binigyan ako ng senyas na gawin ang ipag-uutos ng dragon bago ako tuluyang masunog ng naglalagablab na apoy na maaari nitong ibuga. Simula pa lang ay tila kalbaryo ang araw ko dito sa amo ko. Kung dati-rati ay maayos naman kaming nagtatrabaho sa mga matanda na walang ganitong pressure sa bawat umaga. Buhay alipin nga naman kaya nga mas nauunawaan ko ang mga tauhan sa bahay at hindi naman kami ganoon sa kanila. Pinaandar ko na ang sasakyan at binuksan ang malakas ang aircon baka kasi masampulan na naman ako. Iba ang klima dito sa Pinas kaysa sa Amerika kaya nauunawaan ko kung mainit sa kanilamg pakiramdam kapag mahina lang ang aircon. “Alright Clark here we go,” bulong ko sa sarili nang makita ang dalawan na papalapit sa sasakyan. Nirelax ko ang sarili at baka mabutata na naman ako dito kay dragon. Mabuti na lang at nariyan si Ma’am Aira pampawi ng alab ng apoy. Nang makaayos na ng upo ang dalawa ay dahan-dahan n akong lumabas sa gate. Itinuon ko ng maayos ang paningin sa kalsada para hindi ako magkamali. Kailangan ko ng ibayong ingat lalo na kapag kasama ko itong dragon. Halata na sensitive ito kahit sa maliit na bagay lamang . Kung iisipin ay hindi lamang ako ang maninibago sa trabaho, lahat kaming nasa ilalim ng kanyang pamumuno ay magkakaroon ng pag-adjust dahil ibang personalidad at pananaw ang gusto nitong isulong sa kompanyang iniwan sa kanyang pangangalaga. Mata at tainga ay pinagana ko para walang pagkukulang ang serbisyo ko sa bawat araw. Habang nakatuon ang paningin sa kalsada ay nakikinig ako sa kanilang usapan. Kahit hindi kumakanta itong si Ma’am Aira ay pawang musika ang kayang boses sa aking tainga. Pakiramdam ko tuloy buo ang araw ko kapag narinig ko lang siya. Napaisip tuloy ako kung bakit ginusto niya itong si dragon na masama ang ugali. Marami namang mas deserve sa kagaya niyang maganda. Hmm…I will find out why? Habang nagmamaneho ako ay sumisilay ang ngiti ko sa labi. Gusto ko na tuloy pagalitan itong sarili ko at nahuhumaling na sa taong may pananagutan. But I will not say na aagawin ko siya sa kay dragon, aba’y huwag lang siya magbigay ng chance sa akin dahil hindi ko iyon tatanggihan. “Keep your eyes on the road!” Mariing saway nito sa akin nang panay ang sulyap ko sa kanila. Hindi ko kasi naiiwasan ang sulyapan sila sa rear mirror. Hindi ko na alam na napapansin na pala ako ni dragon. Putek at nakaka-strike one na ako. “Yes sir!” Mabuti at hindi matrapik at smooth lang ang usad ng mga sasakyan. Muli akong bumalik sa pakikinig sa kanilang dalawa. Tila ba naglalabing itong si Ma’am Aira ngunit masyado lang na malamig ang pakikitungo nito sa asawa. “Hon, paki dukot naman nito,” ani Ma’am Aira. “Hayss… later I’m busy replying my friend,” iritadong tugon ni Joem. “Oh’ I’m sorry,” desmayadong tugon ni Ma’am Aira. Agad kong sinulyapan si Ma’am Aira na bigong makuha ang pansin ng asawa. I feel like she is out of place kahit sa mismong asawa nito. How could him ignore her. Girls are soft and breakable heart. Marahil ay nararamdaman ko ang bagay na iyan dahil sa dalawang katangian ang mayroon ako. I can be a girl and a boy but I choose to be a muscular than sexy lady. Iginala na lamang niya ang paningin sa labas kaysa pansinin ang panlalamig ng asawa. Para ako na lang ang gagawa sa nais nito kaysa umasa sa taong hindi siya binibigyan ng pansin. “Okay fine what is it!” Nang mapansin nito ang biglaan pananahimik ng asawa ay agad naman siyang bumawi kahit napipilitang gawin. “Ahm, ito paki dukot naman,” mahinahong pakiusap niya. Sandaling natahimik ang dalawa sa likuran at hindi ko alam ang kanilang ginagawa. Tanging mahinang daing ang naririnig ko at parang gusto ko silang linguning dalawa. Pasimpleng tumingin ako sa rear mirror para tingin sila ngunit nang masulyapan ko ay nagtaka ako. Nakayuko si sir Joem sa kandugan ni Ma’am Aira at may kasama pang daing na hindi ko mawari kung ano ang kanilang ginagawa. I don’t want to be dirty mind pero bakit dito pa sa loob ng kotse. “Ahhh… dahan-dahan naman nasasaktan ako,” impit na daing sa sakit si Ma’am Aira. “Bakit ba ang sikip na ito at hindi na magkasya?” “Hindi ko alam, kaya nga ayaw na yaw kong ipapasok iyan eh.” “Sandali at ilalabas ko muna!” Ako ang nasasagwaan na makinig sa kanilang dalawa. I never been be wild but I’m sure na mahihigitan ko si dragon kapag ako nangati. Sa dinami-daming pribadong lugar ay dito pa talaga sa kotse magkamayan. “Ayan napasok ko na ano isasagad ko pa ba?” tanong nito kay Ma’am Aira. “Hmm…yes please but be gentle,” aniya. “Anak ng pating!” napapamura ako ng tahimik sa kalaswaan ng dalawa. At sa hindi ko matiis ang naririnig ay naapakan ko ang preno na dapat ay hindi naman iyon ang aapakan ko. Biglang huminto ang sasakyan at halos nauga ang utak ko sa biglaang pagpreno. Ang mas ikina-uga ng utak ko ay ang mga malulutong na salita ang narinig ko mula sa likuran. “F*ck! What the hell are you doing? You want us to die?” Nanikip ang dibdib ko at sa pangalawang pagkakataon ay malulutong na mura ang natanggap ko mula sa kanya. Natingin ako sa side mirror nang bumusina ang mga kasunod na sasakyan. Mabuti na lang at mabagal ang takbo naming saka malayo ang kasunod na mga kotse kung hindi malaking disgrasya ang aming aabutin. “S-Sorry sir, may… may dumaan kasing ibon kaya bigla akong napahinto,” pagdadahilan ko. “Damn you! Do your job well or else I will fire you!” “Yes sir, ipagpaumanhin niyo po.” “Honey calm down! Huwag natin pairaliun ang init ng ulo. May mga bagay naman na nangyayari minsan sa daan lalo at nasa pinas tayo. Paki dampot na lang ng singsing sa ilalim nahulog,” mahinahong wika ni Ma’am Aira. Sa dinami-dami ng naiisip ko iyon pala ay singsing lang pala ang pinapasok sa daliri ng asawa. Hindi naman sila nakatingin sa harap kaya hindi naman mahahalata na malaking pagkakamali ko iyon dahil na rin sa kanilang ginagawa. Tumuloy na ako sa pagpapatakbo bago pa man magagalit lalo ang mga motoristang nakasunod sa amin. Tatanggapin ko na lang ang lahat ng sermon nito kaysa naman mabangga pa kami lalo. “Just stay focus on the road at baka madisgrasya pa tayo,” ani Ma’am Aira. “I think much better kong maghahanap na lang tayo ng lalaking driver at nakukulangan ako sa kanyang serbisyo,” ani sir Joem. “No Hon, hayaan mo siyang ipakita ang kanyang kakayahan kahit hindi siya tunay na lalaki. Nasabi ko na kanina ay may mga pangyayari na hindi natin hawak kaya let’s move on.” “Put*ng *na mamatay na lang tayo sa mga ipinaglalaban mo. Sa susunod huwag ka na sumama sa akin sa trabaho. Do your own job at malaya ka naman basta huwag ka lang manlalaki dahil may kakalagyan ka sa akin,” mariing sabi nito sa asawa. Nakakaguilty marinig na nadamay pa si Ma’am Aira dahil lang sa malawak niyang pang-unawa. Sana siya na lang ang mas makapangyarihan kaysa kay dragon na ito. Mas karapat-dapat siya sa posisiyon ni sir Joem na hindi abusado sa mga mangagawa. Hindi na ako sumabat pa at buong puso na tinanggap ang masakit na salita mula sa amo. Kasalanan ko naman iyon kay deserve ko naman na mapapangalitan. Nakarating kami sa VFMC, ang Villanueva Fireworks Manufacturing Company. Ito ang pinakamalaking fireworks factory sa bansa. Dati-rati ang kapatid nito ang namamahala ngunit iniwan kay sir Joem ang karapatan dahil sa kanya ito pinagmana ng namayapang mga magulang. “Just wait here untill we finish to talk to all workers here,” habilin nito sa akin. “Yes sir!” Patango kong sagot ngunit iniiwasan ko munang tingnan sila habang bumababa. Dati-rati sinasama ako ng mga matanda sa loob at doon na naghihintay sa kanila. Ang opisina naman nitong pabrika ay hiwalay na building dahil na rin sa risky para sa mga empleyado. Ang tanging naririto ay ang mga production worker lamang. Nang maiparada ko ng maayos ang sasakyan ay bumaba muna ako ng kotse at pumunta sa tinadajan na nasa kabilang kalsada. Bibili lang ng malamig iinumin para malamigan naman itong lalamunan ko at masyado yatang nanuyo. “Aling Cora pabili nga pong energy drink, iyong malamig na malamig.” “Aba, nagpapalakas ka yata at teka ano na ang balita?” tanong niya habang binubuksan ang refrigerator. “Wala, naisipan ko lang uminom ng malamig. Para kasing ang sarap tumungga ng malamig habang naghihintay sa mga amo ko.” “Dumating na pala ang bunsong anak ng mga namayapang Villanueva!” “Opo, noong isang araw lang. Nariyan nga sila sa loob at dinalaw ang mga tauhan sa pabrika.” “Ah gano’n ba? Kumusta naman ang bagong amo niyo, ayos lang ba?” “Ay naku, ayos lang ho sobrang ganda ng asawa niya at ang bait pa, lalo na ang amo kong lalaki saksakan ng bait katunayan at muntik na akong nawalan ng mapalayas sa trabaho. “Ano kamo?” gulat na tanong nito na inabot sa akin ang malamig na energy drink. Napangiti akong binibiro ang matanda kahit ang totoo ay kabaliktaran ang lahat. He still my boss and he is paying my service. Ayaw kong ipagkalat kung ano man ang kanyang pag-uugali. Let the people around to discover his true color. “Hmm…kako masaya akong dumating sila at ng mayroon na akong pagkakaabalahan sa trabaho.” “Akala ko naman ay binibiro mo ako, hindi ko pa iyan nakikita dahil hindi naman nagpupunta iyan dito noon,” aniya. Tinanguan ko lang siya at tinungga ko ang malamig na inumin at kanina pa ako takam na lumagok nito. The cold soaked my throat that it almost quenched my thirst. Swabe sa pakiramdam at halos tatlong lagok ko lang iyon. Pagkalapag ko ng bote ay nagdukot kaagad ako ng barya sa bulsa pambayad kay Aling Cora. “Lesbi!” “What the heck…” Napalingon ako nang marinig ang amo kong dragon. Para akong sinilihan na naman sa puwet dahil ang bilis nila. Wala pa nga sa sampung minuto at lumabas na agad sila. “Maiwan na kita Aling Cora, sayo na iyang sukli ko.” I run back to the car but hindi pa rin nawala ang pagka-astig ng galaw ko. Kahit alipustahin man ako ng karamihan ay ganito na ang gusto ko. Nakadagdag nga ng lakas ang mga energy drink at agad na umepekto sa akin. Luckily I have presence of mind at kaagad kong pinindot ang remote ng sasakyan para makapasok sila sa loob. The sun was up at sobrang mainit sa labas kaya mas maiging makapasok sila sa loob ng sasakyan. Pagkabukas ko pa lang ay nilakasan ko na kaagad ang aircon bago pa man nila ako mapuna. “Send me to my office!” “Yes sir!” “Hon, makipagkita muna ako kay Bea at narito na raw siya sa Pilipinas. She just invite me for a lunch,” paalam ni Aira sa asawa. “Where? Bakit hindi siya nagpasabi agad?” “She said at Makati. Kaninang umaga lang siya dumating at bago ko lang din natanggap ang message niya.” Hindi agad sumagot si sir Joem at natunugan ko pa sa kanyang tinig ay tila mahigpit siya sa asawa. Ang ibang asawa ay kaagad namang papayagan kung kaibigan ang pupuntahan. “Okay, I give you 2 hours. Now it’s already 11 am, you will be at home araound 1:30pm until 2pm. May allowance na ‘yan sa byahe mo and make sure wala kayong lalaki na kasama,” He empathically stated. “Yeah, don’t worry I will try to cope the time you give. Please consider if I’m late a bit because I cannot predict the traffic on way home.” “Hmm…” He moaned, then natamik sila sa backseat. Ayaw ko naman maki-chismiss sa buhay nila ngunit nakaramdam ako ng paghihigpit para kay Aira. If he really love his wife hindi sana ganito ang kanilang usapan. Para bang ang layo nila sa isa’t isa o sadya lang possessive itong si sir Joem. Hindi naman nakapagtaka dahil Aira was a brunet version ng Barbie doll. Nasa katangian niya ang ganda na hindi na kailangan ng makapal na makeup. A perfect body with flawless skin and long legs. No one men would not tempted to look at her. She’s a kind of angelic face na mahuhumaling ka talaga sa kanya. Napabilang na ako sa mga lalaking nangarap na magkaroon ng kagaya niya. “Lesbi, samahan mo ang Ma’am Aira mo at huwag mo na siyang iwanan. Kung nasaan sila ay huwag mong hihiwalayan hanggang sa makauwi kayo. Don’t let any guy talk to her.” “Yes sir!” Walang alinlangan kong sagot. Isang malaking karangalan ang pagsilbihan ang babaeng napakaganda at kahit hindi pa ipag-uutos sa akin ay bukas palad kong gagawin. “Hon! Wala ka bang tiwala sa akin?” She felt like Joem strangled her neck and her freedom to mingle with friends took away. Ito ang bagay na ayaw ko lalo na ang dektahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin. I know the feeling to be dictated at kaya ako lumayo sa totoong buhay na mayroon ako. “I don’t have time to argue with you this matter. Napag-usapan na natin na ako ang masusunod sa atin so, follow what I said.” Ang pananahimik ng isa’t isa ay tumagal hanggang sa maihatid ko si sir Joem sa kanyang opisina. Maraming bagay ang hindi ko alam sa kanilang buhay kaya I’d better not interfere their problem. Sino ba naman ako para pakialaman sila? Well, I am blood of Solano’s family but those people who knew me only. “Hey, don’t forget what I instructed to you. Take a look at her at ikaw ang managot sa akin,” anito nang bumaba ng sasakyan. “Noted sir!” Para akong nagdiwang nang wala na siya sa loob ng sasakyan. Tumikhim ako para basagin ang katahimikan. Now it’s my time to talk to her para naman maiba naman ang eksina. “Ma’am, okay lang ba kung buksan ko ang radio ng sasakyan?” tanong ko dito. “Yeah sure!” “Thank you ma’am.” Laking tuwa ko ng pumayag siya. Agad kong binuksan iyon para maitaboy ang nakakbinging katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko pa masyadong kabisado itong si Ma’am Aira but I read some basic reaction from her at hindi iyon kagaya ng asawa niya. Pagbukas ko pa lang ay isang magandang kanta na ang bumungad sa amin. Lihim akong napangiti habang nakikinig. Paminsan-minsan ay sinusulyan ko siya sa rear mirror. “Ang ganda ng meaning ng song so, better na magsmile ka na lang Ma’am kasi magkaka-rinkles ka niyan,” sabi ko pa sa kanya nang mapansin ang pananahimik. “I felt bad kasi feeling ko nag-iisa lang ako. Wala akong karamay sa mga problema despite of my success.” “You’re wrong! I’m sure na may mga kamag-anak at kaibigan ka pa na handang dumamay sayo. At isa pa nandito naman ako.” I’m not intended to offer myself pero kahit hindi kami magkaibigan o kahit under ako sa kanila ay handa naman ako makinig in terms na kailangan niya ng kausap. “What?” “I mean, kung feeling mo nag-iisa ka lang nandito naman ako na makakusap mo bilang kaibigan kung okay lang din sayo.” Ang angas kong sabihin iyon. If she accept me then, that’s a good start to us. Kapag mabigo naman ligo lang ang katapat. Anong malay natin at ngumiti siya. Kapag nangyari iyon ay akin siya. “Whoa! Mapresko ka pa sa mga lalaki kung magsalita but I like that,” aniya na ikinatuwa ko. “So you mean okay lang sayo na makipagkaibigan ako sayo na isa lamang akong hamak na driver niyo?” “Yeah! Whatever your status in life is not issue on me. Ang pananaw ko ay pantay-pantay lamang ang lahat mahirap o mayaman basta makatao lang.” “Thanks ma’am!” Panaka-naka akong sumusulyap sa kanya. Pero naka-focus pa rin ako sa kalsada. Kagat ko ang ibabang labi sa excitement siguro. Ngunit biglang sumagi ang asawa niyang masungit. Daaa…I really won’t mind him basta nagtatrabaho ako ng maayos. “You’re welcome! By the way Clar… what should I call you? Your real name or the names you want me to call you?” “Nakakahiya naman sayo ma’am pero I’m happy if you call me Clark. It sound similar to my real name.” “Hmm…Clark!” “Ano nga ang exact address doon sa pupuntahan natin ma’am?” “Ahm, good that you remind me.” Hinintay kong sabihin niya ang saktong address bago ako tumuloy sa sentro ng highway para hindi kami maipit sa trapik. Her time is limited kaya naghanap na ako ng ibang rota na hindi masyadong matrapik para naman humaba pa ang oras niya. Ang lupit kasi ng asawa niya at kailangan pang may taning ang oras niya sa pakikipagkita sa kaibigan. Sa pag-iiwas ko ng trapik ay may nahagip ang mga mata ko. Bigla akong kinabahan at agad na sinuot ang salamin at sombrero. Tinted ang salamin ng sasakyan ngunit ang harap nito ay hindi. “Anong nangyari at tila nagtatago ka ng iyong mukha?” tanong ni Aira nang mapansin ang ginawa ko. “Ganito lang talaga ako Ma’am dahil na rin sa kasarian ko,” pagdadahilan ko pa. “Ah gano’n ba? Siya nga pala bago tayo pumunta doon sa restaurant ay daan muna tayo sa may mabibilhang brownness paborito kasi ng kaibigan ko ‘yon,” aniya. “Sige Ma’am at may alam akong masarap na brownness at dekalidad ang kanilang produkto,” suhestiyon ko pa. “Okay, fine!” Salamat at nailayo ko na ang bagay na tinataguan ko. Kaya hindi ako madalas pumupunta sa lugar na ito dahil nandito siya palagi dahil sa mga kaibigang pulitiko. “My gosh!” Napa-iling na lang ako habang nagdadrive. Ayaw kong silang isipin baka lalo ko lang silang makasalubong. Nakapagtago na ako ng apat na taon sa kanila na hindi nakikita ng mga iyon lalo na si Daddy. Hindi ko talaga masikmura ang maikasal sa isang lalaking ubod ng yabang. Babae ang gusto kong makasama…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD