DAHIL SA kundisyon ko ay ipinagpabukas ng doctor ang paglabas ko sa ospital. I have sensitive pregnancy kaya kailangan akong imo-monitor within 24 hours. Ang pagsusuka lang naman ang nagpapahirap sa akin. Ngunit kaya kung lumabas ngayon. Mahimbing na natutulog si Simon sa couch sa kwarto kong ito. Oras na para lumabas ako at maghanap ng kasagutan sa tanong ko. Hinulma ko ng tao ang tatlong unan na mayroon ako sa kama. Tinakpan ko ng kumot para hindi kaagad mapansin na wala na ako. Lalo na kapag magising si Simon at makitang wala na ako dito sa hospital. Maingat ngunit nagmamadaling gumalaw. Marahan akong lumabas sa silid na hindi napansin ni Simon. Makirot ng kaunti ang pinagtusukan ng karayom sa kamay ko ngunit hindi ito hadlang. Tinanggal ko sa dugtungan ang hose ng dextrose para m

