Kinabukasan nasa parking lot na ako nang madatnan ko sina Andrew, Mark , at Jacob. Hindi nila ako napansin dahil busu sila sa pag-uusap.
"Mga Tol, tuloy ba si Gavin bukas?" tanong ni Jacob.
"Oo tuloy raw, eh! Nagpaalam naman na siya kay Dean 'di ba? Wala naman nang exam," tugon naman ni Andrew.
'Saan siya pupunta?'
Hindi ko na namalayang nakaalis na sila dahil akupado ng isip ko ang mga sinabi nilang tatlo. Habang nasa klase tuloy ako ay wala do'n ang isip ko, na kay Gavin..
'Gusto ko siyang kausapin, may problema ba siya? Okay lang ba siya?'
"Woi! Best, kakanina pa namin napapansin na wala dito ag isip mo? Naiwan mo ba inyo?" may pagbibirong tanong pa ni Stacey ero alam ko totoo 'yon.
"H-ha? Wala, iniisip ko lang 'yong narinih ko kanina kila Andew, Mark, at Jacob," ani ko.
"Bakit, ano ba ang narinig mo?"
"Paalis daw si Gavin bukas ksya gusto ko siyang makausap." Napakamot pa ako sa kilay ko habang sinasabi 'yon.
'Oh, 'di kausapin mo!" ani naman ni Jallessa sa 'kin.
"Oo mamaya pag-uwian ay aabangan ko siya."
At nang matapos na nga ang afternoon class namin ay nagmadali na akong pumunta sa building ng mga 4th year students.
Agad ko naman nakita sina Kuya pero wala si Gavin.
"Kuya," tawag ko.
"Princess, anong ginagawa mo dito?" tanong ni kuya ng makalapit ako. Med'yo hingal pa ako sa pagmamadali pero keri lang.
"Si Gavin nasa'n?" agad kong tanong. Bigla naman sumulpot ang tatlo.
"Oh hi, Aliyah. Naligaw ka yata? Na miss mo kami, no?" Hindi ko na muna pinatulan ang ka baliwan nila dahil nagmamadali ako.
"Hi guys...nasa'n si Gavin? Gusto ko saan siyang makausap eh," bati ko sa kanila.
"Ah...si Loverboy, ayon oh!" Sabay turo niya sa baba, nakita ko ngang naglalakad na paalis si Gavin.
"Flight niya na mamaya kung kaya't nagmamadali nang umuwi dahil mag-aasikaso pa siya," anila.
Hindi ko na hinintay pa ang mmibang sasabihin nila, agad kong hinabol si Gavin..
Nang maabutan ko siya ay papasakay na dapat siya ng kotse niya..
"Gavin!" Napalinhon naman siya sa pagtawag ko sa kan'ya.
"Aliyah, I'm sorry nagmamadali ako." Nakasalubong ang mga kilay niya at mukhang bad mood. Pero hindi ko 'yon pinansin.
"Gavin saan ka pupunta? May problema ka ba?" tanong ko.
"Wala, umuwi ka na!" may diin niyang sabi.
"Wait lang. Mag-usap muna tayo kahit sandali lang, baka gusto mo ng makakausa," pagpupumilit ko.
"Hindi kita kailangan, please lang Aliyah...leave me alone, magulo ang isip ko!" tila nagpipigil na siya ng pasensiya sa 'kin pero nagpatuloy pa rin ako ng pangungulit sa kan'ya.
"Bakit ba kasi? Hindi ka ba nakakaintindi?" tinaasan na niya ako ng boses kaya nabigla ako, hindi ko lang pinahalata.
Hindi na siya sumakay muna ng kotse, lumabas siya at naglakad sa kung saan patungo, kaya sinundan ko na naman siya.
"Puwede ba Aliyah! Tumigil ka na, hindi mo ba nakikita ayaw kong sumusunod ka sa 'kin kaya umuwi ka na!" galit na siya.
"Eh, gusto ko, eh. Bakit ka ba naninigaw?" Inis kong tugon sa kan'ya habang sinusundan ko siyang maglakad.
"Tumigil ka na dahil mapapagod ka lang, Aliyah hindi kita gusto!
Tama na, dahil kahit kailan hindi kita gugustuhin. Nasabi ko na 'yan sa 'yo 'di ba?" Nabigla ako. Nasaktan ako sa sinabi niya sa 'kin.
"Sorry!" pagkasabi ko no'n ay agad na akong tumakbo paalis.
Bumuhos ang mga luha ko sobrang sakit para sa 'kin ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay sobrang pangit ko dahil sa sinabi niyang kahit kailan hindi niya ako magugustuhan.
'Ano pala ang mga pinakita niya sa 'kin? Pakitang tao lang?'
Sa kakaiyak ko ay hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Namalayan ko na lamang na nasai sang lugar ako na hindi gaanong dinadaan ng mga tao.
Paalis na sana ako nang biglang may lumitaw na mga lalaki galing sa med'yo madilim na parte ng lugar na 'yon.
Nakaramdam ako ng takot at pangamba.. Kaya pasimple kong kunuha ang cellphone ko at denial ang nimber ni Gavin.
Siya agad ang naisip ko dahil nagbabakasakali akong malapit pa siya sa 'kin.
Nagring 'yon pero pinatayan niya lang ako.
'Please Gavin, pick up! Help me...'
Denial ko ulit pero gano'n pa rin ang dinawa niya.
'God! Save me...please.'
Narinig kong tumawa ang isa sa mga kalalakihan.
"S-sino k-kayo?" Mangiyak-ngiyak at nauutal kong tanong..
"Wag kang matakot Ms. Beautiful, mababait naman kami," nanindig ang balahibo ko sa tono ng pananaliya niya. Nakakakilabot, natatakot ako!
"W-wag k-kayong lalapit." Nanginginig na na,ang boses ko. Nagpatuloy ako sa pagdial ng mga number ng mga kaibigan ko.
Pero walang sumasagot. Ang huli ay si kuya Alexis na ang tatawagan ko sana pero hindi ko napansin na nakalapit na pala sa 'kin ang isa sa kanila.
Hinablot nito ang cellphone sa kamay ko!
"Mga pre jackpot! Mukhang mamahalin ang cellphone nito." Tinaas niya 'yon at pinakita sa iba pa niyang mga kasama.
"Kuya, please po! 'Wag niyo po akong sasaktan," pagmamakaawa ko dahil sobra-sobrang takot na ang nararamdaman ko.
Lima sila at mag-isa lang ako, anong laban ko kung sakali.
Humalakhak sila ng malakas. Parang mga demoniyo.
"Kung gusto niyo po sa inyo na ang mga pera ko at pati 'yang bag ko, basta paalisin niyo na po ako...hindi ko po ako magsusumbong," pagsusumamo ko pa. Pero ngumisi lang sila sa 'kin.
"Alam mo, hindi ka naman masasaktan kung hahayaan mo lang kaming maihatid ka namin sa langit." Sabay-sabay silang nagtawanan.
Mas lalo ns akong naiyak sa sinabi nila.. Nakuha ko ang ibig sabihin no'n.
'No! Hindi puwede..kailangan kong makatakas.'
Bigla akong tumakbo pero naharangan ako no'ng isa. Umiwas
ako sa kabila ngunit andon rin 'yong isa.
"Please...hayaan niyo na po ako! Pakawalan niyo na po, ako," umiiyak kong pagmamakaawa sa kanila.
Lalapit ang isa sa 'kin at akmang hahawakan ako pero sinampal ko siya.
"Aba! Matapang ka rin pala, ha! Husto ko 'yan med'yo pakipot pa. Pero mamaya bibigay ka rin sa sarap," nandiri ako sa sinabi niya.
Kita ko sa mga mata nito ang pagnanasa. Muli akong tumakbo at hinabol naman nila ako.
Naabuyan ako ng isa at nahuli niya ang mahaba kong buhok.
"Aahhh!" Napadaing ako dahil ang sa 'kit ng pagkakahila niya sa buhok ko.
"Aahhh...sarap pakinggan no'n sa psndinig ko, magandang binibini..." Pagkasabi niya no'n ay sinipa ko siya.
"Hayop kayo! Hindi ako papayag mga demoniyo!" sigaw ko sa kanila. Nanlaban ako ngunit parang hinahayaan lang nila ako. Parang natutuwa pa sila sa 'kin.
"Alam mo binibini lalo mo lang kaming pinapasabik..mas lalo akong gigil na mahawakan ka alam mo ba 'yon?"
"Nakikiusap ako! Pakawalan niyo na po ako! Kung gusto niyo po ng pera, tawagan niyo na lang po ang parents ko," pangungumbinse ko sa kanila. Desperada na akong makatakas..
"Hmmn...maganda nga 'yang sinabi mo! Sige gagawin namin," nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya.
"Pero pagkatapos na lang ng gagawim namin sa 'yo, kumbaga may jackpot at may bunos pa kami sa 'yo 'di ba?" Humalakhak na naman silang lima.
Gumuho ang mundo ko! Ito na yata ang katapusan ko. Pero gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko.
Lalaban ako sa anot ng makakaya ko!
Sinipa ko ulit ang isa sa bandang gitna kaya namilipit siya sa sakit kung kaya't nabitawan niya ako. Nakakiya ako ng kaho kaua inulot ko 'yon ipanghahampas ko sa kung sino ang lalapit sa kanila..
Pero iba pa rin ang katotohanang mag-isa lang talaga ako. At marami sila, sa huli ay nahuli ako ng isa at simikmuraan na niya ako.
"Aahhh.." Sobrang sakit nakakapanghina. Nawawala ang lakas ko pa unti-unti..
"Matapang ka ha! Sige, sa iba mo naman ilabas ang tapang mo!" Naramdaman ko na lamang na bihuhat na nila ako.
'God, ikaw na po bahala sa 'kin.'