[Vaness' POV] Lumabas na kami sa Elevator paglapag sa parking lot ng ospital at naglakad na kami papunta sa van ni Hideo. "Bakit ganoon makatingin ang kapatid mo sayo Nina? May ginawa ka nanaman ba sakanya?" tanong ko habang naglalakad kami. "Ahuh! Of course nothing. Sadyang Psychopath lang babaeng iyon kaya pati mga taong walang ginagawa sakanya ay kinagagalitan niya." paliwanag nito. "Parang hindi yata Nina. Kilala ko si Julia, hindi siya ganoong klase ng tao at alam iyan ni Billy, ng asawa niya at ng matalik niyang kaibigan na si Noli." sagot naman ni Sarah. "Ate, nasaan ka ba nung muntik ka nang madisgrasya? at bakit kasi lumalabas ka mag-isa?" tanong saakin ni Hideo. "Nasa Gift shop ako sa downtown, bibilihan ko dapat ang mga apo ko ng regalo. Atsaka, bakit? masama bang lumabas mag-i

