[Julia's POV] Habang bumabyahe kami ni Noli gamit ang sasakyan niya ay biglang nag-ring ang phone ko. Si Tita Sarah, tumatawag! Agad kong sinagot iyon. "Hello, Julia? Pwede ka bang pumunta dito sa mansyon kahit saglit lang?" aya ni Tita. "Ha, Tita? Eh, mukhang hindi pwede kasi hindi pa yata humuhupa ang galit ni Mommy saakin." sagot ko. "Ano ka ba, siya nga mismo ang nagpapunta sayo dito eh. Ano rin kasi Juliaㅡmay mga pulis dito at kukuha sila ng impormasyon satin tapos mga kaunting katanungan. Okay lang ba?" tanong niya. Ano kamo? Mga pulis? "Ah, Okay Tita susunod na ako." sabi ko. "Bilisan mo at wag mo kaming pagantayin ng matagal, busy ang mga pulis na ito." dinig kong sagot ni Mommy sa background. Mukha ngang galit parin siya saakin. Okay lang iyon, papatunayan ko naman sakanya na hin

