Chapter 31 | Paalam Nelson

643 Words
[Continuation to Billy's POV] "Lee, bitawan mo nga ako please." mahinahon kong sabi. Hindi ako pwedeng makipag-away basta-basta dahil nga may asthma ako or baka umiral yung butas ko sa puso. "Bakit Billy? Naduduwag ka? Akala mo ba hindi mahuhuli ang mommy mo sa ginawa niyang pagnanakaw?" tanong niya. "Hindi totoo 'yan. Hindi ninakaw ni Mommy ang Ruby Necklace ni Lola at kaya niyang patunayan iyon. At tutulungan ko siya." sabi ko. "Well, you have enough time to make fake alibis for you to clean your names." sagot niya. "At ano yung sinabi mo na nawawala yung mga gamit mo ng dahil sakin? Hindi ko ninanakaw iyon Lee at wala akong ninanakaw sayo." mariin ko pang dagdag. _________ [Lee's POV] Akala niya lang wala siyang ninakaw sakin. Si Jelly, she stole my Jelly Kim, And i hate him so much! "Ang alam mo wala kang ninakaw sakinㅡpero ako, alam na alam kong mayroon." mahina kong sambit at tumingin ako ng dalawang segundo kay Jelly tapos tumingin ulit ako kay Billy. "Pare, tara na nga. Lee, pwede ba? 'Wag ka naman magsimula ng eskandalo dito. Burol ng Lolo mo." awat ni Andrew, ang BFF ni Billy. "Bakit? Wala namang makakarinig satin kasi Rooftop ito eh." sarkastiko kong sagot at nagtawanan naman ng mahina sila Navee sa likod ko. Ang grupo naman ni Billy ay naka-Poker Face lang tapos dumiretso na sila para bumaba. Lumingon naman ako kela Billy at Jelly bago pa sila makapasok sa pinto dito sa rooftop pababa. Magnanakaw, Mangaagaw ka Billy. I cannot lose without having a real fight. After this, humanda ka lang. __________ [Julia's POV] Limang araw ang nakalilipas ay narito na kami sa cemetery para ilibing ang kabaong ni Daddy. Hindi ko parin matanggap hanggang ngayon ang pagkawala niya. Nag-flashback sakin lahat habang dahan-dahan siyang ibinababa sa kanyang hukay. Siya ang laging nagtatanggol sakin pag inaaway ako ni Nina nung mga bata pa kami, pag may assignments kami ni Nina halos siya na ang gumagawa at hindi na kami. Nung College graduation namin ni Nina siya ang nagsabit saakin ng Medal dahil nasa business trip si Mommy noon, si Daddy rin ang bumili ng Wedding Dress ko at nag-asikaso sa lahat ng bagay sa kasal namin ni Franco nung hindi kami sinuportahan ni Mommy. Father's Sacrifice is a Diamond just like Mother's Do. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam nang sinasabi nilang, mahirap ang buhay pag walang tatay. Naka-itim kaming lahat ngayon at isa-isa na kaming naghagis ng puting bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni Daddy. Makulimlim rin ngayon, parang sumasabay ang panahon sa pagluluksa namin sa aming padre de pamilya. Sobrang sakit sakin ang lahat ng ito. Hindi tumitigil ang paglabas ng maiinit kong luha sa aking mga mata. Tila sinasabi ng puso't isipan ko na kaylangan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Daddy. Pumunta na ako malapit sa hukay ni Daddy at inilaglag ko na ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong niya. Puting rosas na may papel na nakarolyo sa tangkay nito at may nakasulat na..."Hustisya". Wala kang ibang maririnig dito sa libing ni Daddy kundi ang iyak ng Pamilya Ruby, mga nakikiramay na malapit sa pamilya namin at ang malungkot na background music. Sa sandaling ito naman ay nagpalipad na ang bawat isa saamin ng puting lobo sa kalangitan. You mayㅡRest in piece...Daddy. Sabi ko sa isip ko at pumikit ng nakaharap sa mga lobo na lumilipad atsaka tumulo ulit ang aking mga luha. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. May kalalagyan sakin ang taong gumawa nito sa pinakamamahal kong Tatay. Daddy, ipinapangako koㅡgagawin ko ang lahat para maipasok sa kulungan ang tunay na may sala sa pagkamatay niyo. Hindi ako naniniwalang suicide ang nangyari sainyo. Kay Nina na nanggaling naㅡMurder ang nangyari at hindi suicide...Sakanya na nanggaling na mayroong tumulak sainyo. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD