[Nina's POV] Napangiti nalang ako ng patago at pagtingin ko kay Julia ay nakangiti rin siya ng sarkastiko sakin. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay pero confident talaga siyang ganun ang mukha niya. Paano niya nagagawang ngumiti? hindi niya ba nararamdaman na may panganib na mangyayari sa asawa niya o sa kanilang tatlo ulit dito sa mansyon? "Sigurado ka bang hinanap mo na sa mga sulok-sulok sa sala?" tanong ni Aunti Sarah. "Oo nga, baka hindi mo lang napansin?" dagdag pa ni Uncle Hideo. "Wala po talaga doon eh, kahit kami po nagtataka rin kanina kung bakit nawala doon sa dresser. Naisip po namin na baka, inilipat lang po ni Mrs.Vaness sa kwarto nila ni Mr.Nelson." sagot nung isang katulong. "No, i won't do that." sabi ni Mommy. "Mom, bakit hindi mo ulit tingnan ang mga kwarto ng isa't is

