PAGKATAPOS naming maligo ay nag-order si Jacob ng room service. Masaya kaming kumain ng hapunan sa tabi ng pool at noong lumamig ang dapyo ng hangin ay kinuha n'ya ang maliit na blanket sa loob at ibinalabal sa akin. I felt better. Pakiramdam ko ay yakap na rin n'ya ako. Akala ko ay matutulog s'ya sa tabi ko pero sa kabilang kama s'ya nahiga. He did kiss me good night though, and I think that was enough. Inisip ko na lang na baka dahil sa tradisyon kaya hindi kami magkatabing matulog. Pero maging kanina sa pool ay tumigil rin s'ya sa paghalik sa akin habang dalang dala na ako sa init ng pagmamahal ko sa kanya. Sa aming dalawa ay ako nga ang marupok -- legit. I had my moment of insanity earlier at lakas loob ko pa s'yang inakit. Nagpadala naman s'ya, 'yon nga lang panandalian. Na-turn o

