AROUND EIGHT IN the evening, we got dressed to join his family for dinner. Ang mga gamit namin sa hotel ay kanina pa pala dinala dito sa penthouse at hindi ko lang napansin sa gilid. Dumating si Donya Carmen ngayong pasko and since we don't have kids in the house yet, they didn't do the traditional noche buena because no one wants to stay up that late. Added factor na ang mga edad nila. Iba ang pasko ko ngayon, dahil may asawa na ako. At bukas, luluwas kami sa Mindoro. Pero ang sabi ko kay Jacob, baka wala na kaming ticket na mabili pauwi dahil holiday. Pero hayun, ang sabi sa akin ay s'ya na ang bahala. Nangako kasi s'ya kina Tatay na uuwi kami ng pasko. Matagal na rin kaming hindi nagkakasama-sama dahil hindi naman ako madalas umuwi. Sinalubong kami ng mga b'yenan ko. Nagkakamali p

