A WEEK BEFORE CHRISTMAS... NAGLALAKAD na ako ngayon papasok ng village nang marinig ko ang tunog ng aking cellphone. Last day namin ngayon sa OJT at Sabado na bukas. Kahit paano ay makakabawi ako sa pahinga at gawain sa bahay. Hindi madali ang gawain sa Pinnacle dahil lahat ay mabilisan ang kilos. Time is gold nga naman. Sir Mike is very supportive pero hindi na naulit ang paghatid n'ya sa akin -- sa kagustuhan ko na rin. Sinabi ko sa kanya na na-appreciate ko ang pagtulong n'ya sa akin noong minsang umulan pero para sa ikatatahimik ng loob ko ay hindi na dapat maulit pa para maiwasan ang chismis. Si Sir Jacob pa nga lang ay iba na ang iniisip, ano pa ba 'yong mga empleyado sa Pinnacle? Pumayag naman s'ya at naintindihan ang punto ko. He is such a good guy. Siguro, kung hindi ko unang n

