MATAPOS kong magpadala ng pera kina Ate Sofi ay sumakay ako uli sa kotse ni Jacob. He needed help at noong una ay hindi ko alam kung para saan at kailangan pang magpunta ng mall. May mali ba sa suot ko? At saka saan ba kami pupunta? Kaya naman pala ay sa isang exclusive bar na pag-aari ng isa sa mga kaibigan n'ya kami pupunta at nandoon ang dati n'yang kasintahan. "Anong connect at kailangan mo pa akong isama? Ang mabuti pa, ibaba mo na lang ko d'yan sa may sakayan at magbabyahe na lang ako pauwi. Ikaw na lang ang magpunta doon sa mga kaibigan mo. At saka ayaw mo bang makita ang ex mo, malay mo magkabalikan kayo." Mukhang napabilis yata at medyo napa-friendly ang bibig ko kaya nagsalubong ang kilay n'ya. May masama ba sa sinabi ko? Hindi ko kilala ang ex-girlfriend n'ya pero siguro n

