BUT I didn't do that. Baka mamaya ay masampal n'ya ako ng wala sa oras at hindi s'ya sumama sa akin. Magkakasya na lang ako sa paghanga sa angkin n'yang ganda. "It's. . . perfect," binalingan ko ang staff. "Could you cut the tag and remove the security feature. Thank you." Ngumiti naman ang babaeng medyo chubby at tumango. "Yes po, Sir," inaya n'ya si Sienna. "Dito tayo, ganda para matanggal ko 'yan. Ang pogi naman ng boyfriend mo," narinig kong sabi n'ya habang papalayo ang mga yabag sa akin. Hindi ko na rin narinig ang isinagot ni Sienna sa kanya. I paid for all the clothes and shoes I picked out for her. Isa lang naman talaga ang plano kong bilhin kanina noong nagpunta kami dito since isang beses lang naman n'ya akong sasamahan. But she looked so pretty when she tried a couple of th

