PINAG-ISIPAN kong mabuti kung haharapin ko ba s'ya o hindi. He sounded mad -- and jealous. But there was nothing to be jealous about. Wala namang kaming ginagawa ni Sir Michael. At higit sa lahat, wala kaming relasyon nitong lalakeng nasa harap ko. "Good afternoon, Sir Jacob." Wala pang alas singko y media pero ang langit ay madilim na dahil sa pag-ulan kanina. "You didn't answer my question. Dahil ba totoo?" masungit n'yang sabi sa akin. "Dahil wala namang dahilan para sagutin ko ang mga tanong mo. Ni hindi nga tanong ang ginawa mo sa akin kanina kung hindi panghuhusga. Excuse me po pero may trabaho pa akong gagawin at hindi pa ako kumakain. Maiwan ko na kayo." Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil mukhang lalo s'yang nagalit sa akin pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng sati

