HINDI umuwi si Nanay at si Ate Sofi. Sila ang nagbantay kay Tatay sa hospital. Kami naman ni Jacob ay inihatid ni Kuya sa bahay at umuwi s'ya sa kanila. Hindi kalayuan ang tirahan nila kina Nanay at pwedeng lakadin. Bandang alas s'yete kami umalis ng hospital. Si Tatay ay natutulog pa rin at naka-swero at malamang ay late na daw magising. Pagod ito sa ginawang operas'yon at bukas na lang daw kami bumalik sabi ni Nanay. "Okay na ba kayong dalawa rito?" tanong ni Kuya. "Kung may kailangan kayo, text mo na lang ako. Tutulungan ko lang si Jenny sa mga bata." "Sige, Kuya. Salamat," sagot naman ni Jacob dito. Ako naman ay nagdiretso na sa kusina at kumuha ng mga plato. Iinitin ko na lang ang dala naming lutong ulam at pati ang kanin. Nakaalis na si Kuya at napansin kong binubuksan ni Jacob

