UMILING ako at pinilit na ngumiti sa kanya pero siguro ay hindi maitago ng mata ko ang aking pagkabalisa kaya imbes na pumasok kami sa loob ng building ay inaya n'ya akong maglakad. "Let's take a walk. I will get you some coffee. Sa tingin ko ay kulang pa ang kape na ininom mo kanina sa bahay n'yo. Have something sweet too, para mabawasan ang stress mo." Why is he such a good friend to me? As a boss, s'ya na yata ang pinaka-perfect. Although, nakita ko s'yang nagalit isang beses dahil na rin sa pagkabastos ng isang empleyado. This particular employee was bad mouthing one of the superiors and Mike happened to be in the same bathroom when this happened. Needless to say, he was fired before the day ended. Nagpatianod lang ako sa sinabi n'ya at hindi naman kalayuan dito ang cafe na tinutum

