Bumalik ako sa kampo nila Elijah ngunit imbis na labasin ay inutusan niya ang isa sa mga lobong tauhan na paalisin na lang ako. Binantaan ko silang sa oras na hindi lumabas si Elijah, dadanak ang dugo ng mga lobo. Bagkus na magpatinag ay nagpatigasan pa kaya hinanda na ako para sa gagawing pag-atake. Lumusob sila ng sabay-sabay ngunit masyado silang mahihina para kalabanin ako. Masyado malalakas ang loob nila kaya hindi na ako nag-atubili pang patagalin ang laban. Ilang minuto lang ay napabulagta ko ang mahigit benteng mga lobo. Maya-maya pa ay nakita kong nasa labas na rin si Elijah at mabilis na tinulak ako pasandal sa dingding. “Gago ka talaga. Mas masahol ka pa sa demonyo!” nanginginig sa galit niyang bulyaw. Imbis na sumagot, dinura ko muna ang dugo ng mga kalahi niya. “Ikaw

