Maaga nagising ang lahat, ako naman ay umaga na pero hindi pa natutulog. 6.30am na at karamihan ay naghahanda na sa gagawing pagsasanay. May kumakatok sa pinto at naisipan ko na lang na magkunwaring tulog. “Isabelle,” tawag sa akin ni Elijah, siya pala ang kumakatok. “Alam kong gising ka,” dagdag pa niya at hinitak yung kumot ko. Hindi ko gustong makita niya ako kaya nagkunwari akong asar para umalis siya pero dahil matalino siya, bigla niyang hinitak ang kumot. Hinarap niya ang mukha ko at inalis ang mga buhok na humaharang. Maga ang mata ko akaiyak kagabi pero huli na, nakita na niya. “Anong nangyari?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at aakmang kukunin ang kumot ng bigla niya akong hinawakan sa kamay. “Mapagkakatiwalaan mo ako,”

