Wala akong kahilig-hilig magsuot ng gown. Makita ko pa lang, sumasakit na ulo ko. Nagdito kami ngayon sa fitting room para magsukat ng gown, kasama ko si Katherine. “Huwag kanang mapili, kahit naman ano maganda,” inis kong sigaw sakaniya. Paano ba naman, ilang oras na kami dito pero wala parin siyang nagugustuhan sa pinili ko. Akala mo naman siya ang magsusuot. “Hindi 1990’s ang theme ng prom natin. Walang fashion sa katawan mo,” pairap naman niyang sagot habang namimili ng gown. “Oh I found the perfect one!” Natutuwa niya akong hinatak sa fitting room para sukatin iyon. Paglabas ko ay parang kuminang naman ang mata niya sa tuwa. Elegant ang style niya. Cockatail gown, backless and dark blue color na mas nagpatingkad ng kulay ko. Simple lang ang disenyo pero talaga namang natulala r

