TYZON POV Nagsisimula na ang pagsasanay para sa gaganaping dwelo. Hindi ko gustong kalabanin si Isabelle at hindi ko alam kung hand ana ba talaga ako sa mangyayari. Lumapit sa akin si Sean, isa din siyang bampira na mas matanda sa amin ni kuya. “Kung hindi ka lalaban, parang sinuong mo na rin ang pwesto mo bilang susunod na pinuno,” Panandalian akong natahimik sa sinabi niya. Kung hindi ako mananalo, wala nang pag-asa pa ang mga kalahi namin lalo na’t kami na lang ni kuya Franco ang inaasahan ng lahat para muling pagbuhay ng kasaysayan ng mga bampira. “Wala na bang pag-asang mabago ang propesiya?” tanong ko sakaniya. Tumingin siya sa akin na parang nagdadalawang isip kaya tinignan ko siya sa mga mata. Nagkaroon ako ng pag-asa noong tumango siya bilang sagot. “A-ano?” nananabik kong

