Bumalik ako sa sofa. “Sir Franco pwede ba ako humiram ng pera? Na-naiwan ko kasi yung wallet ko sa bahay. Gusto ko kasi ng ice cream,” pabebe kong tanong. Alam kong hindi sa akin bagay pero mas lalong hindi babagay kung kay Tyzon ko ito sasabihin. Nag-isip naman siya bago magsalita. “Tara,” Napangiti naman ako ng malawak. Feeling ko tuloy ay hindi niya ako matitiis. Matutuwa na talaga sana ako kung hindi sumingit si Tyzon na sasama rin kaya napangiwi na ako. ***** Nag-aya ako sa savemore at naisipan kong magluto kaya sinabi ko sa kanilang bumili na rin ng stock sa bahay. Habang nandoon kami, pansin ko na maraming nakatingin sa kanila. “Ang gwapo naman no’n” “Model siguro sila noh?” “Gf ba yung kasama? Wala pa yan sa ganda ko” “Di sila bagay,” At kung ano-ano pa ang naririnig

