Makikipagkita ako ngayon kay Katherine. Gusto kong malaman kung ano ba talagang mayroon sa bulaklak na ibinigay niya sa akin. “Bakit Isabelle, may problema ba?” bungad niya noong makalapit na sa pwesto ko. “Katherine, naaalala mo ba yung ipinakita mo sa akin yung mga halaman sa likod ng lumang bahay?” tanong ko na nagpaseryoso naman ng mukha niya. “Pulang dagta,” maikli niyang sagot. Sigurado akong may alam siya sa bagay na iyon. Umorder muna siya ng blend coffee at muling humarap sa akin. “Pinapamana sa akin iyon nila lola. Sigurado akong hindi ka maniniwala kung sasabihin ko,” Kaialangan kong malaman ang totoo. “Anong mayroon?” “Namatay ang mga ninuno ko ng dahil sa mga kakaibang nilalang. Ang sabi ni lola, may propesiya na sa ikawalong salinlahi ay muling magbabalik para ituloy a

