"HINDI mo dapat iniwan si Kazumi." Napahinto si Tasuke sa paghakbang nang marinig ang sinabi ni Masu. "Ano'ng sabi mo?" Nasa ikalawang bahagi na sila ng Control Room. Medyo hinihingal pa silang pareho dahil sa iilang gwardyang nakalaban nila. Huminto rin ito at lumingon sa kanya. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo. Tingin ko nagseselos na si Tera sa iyo," wika nito sabay pindot ng code sa pangalawang pinto. Bumukas iyon. Maingat itong pumasok doon. Sumunod siya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagkibit-balikat ito. "Baka masyado ka nang napapalapit kay Kazumi at nasasapawan mo na siya," aniat may pinindot ulit. Muling sumara ang pinto. Tingin ni Tasuke ay elevator ang napasukan nila, except wala siyang ma-feel na umaangat o bumababa ang tinatapakan nila--just the wall moving. "Nasa kabi

