"DOSHITA no, Yuki?" tanong ni Kazumi sa kapatid nang pumasok siya sa hindi nakasaradong pinto ng kwarto nito. Nakaupo ito sa kama aIt nakatitig lamang sa cellphone nito. "Ate, ikaw pala," gulat na sabi nito nang lumingon sa kanya. "Wala. Tinitingnan ko lang mga pictures natin sa cellphone ko. Tingnan mo ang mukha mo rito, oh! Ang pangit!" natatawang dagdag pa nito nang ipakita sa kanya ang tinutukoy nitong litrato. It was that stolen picture na umiiyak siya habang kayakap ito. "Bastos ka! Hindi mo pa talaga na-delete iyan!" kunwaring naiinis na sita niya. "Ayoko nga. At least, kapag bad mood ako, may magpapatawa sa akin." "Ikaw talaga!" Gigil na ginulo niya ang buhok nito. Gumanti naman ito at kiniliti siya. Hanggang sa nagkilitian silang dalawa habang humahagalpak ng tawa. "Time out!

