PAGKABABA ni Shinji ng eroplano, agad sumalubong sa kanya ang balitang dinukot ni Harushiko ang kanyang asawa at naroon si Kazumi para iligtas ito. "Eh, si Yuki?" tanong niya kay Goru na siyang sumalubong sa kanya sa airport. Pinagbuksan siya nito ng pinto at hinintay na makapasok siya bago nito isinara. Pumwesto ito sa driver's seat at pinaandar ang kotse. "Ligtas po si Young Master. Nandoon po sila ngayon sa bahay ni Youji Danma kasama ni Yumi at mga kaibigan ni MIss Misuke." "Youji Danma?" he asked, trying to confirm if he heard the name right. "Tama po ang narinig ninyo," sagot nito. Nang hindi siya umimik, muli itong nagsalita, "Gusto n'yo po bang daanan sila?" "Huwag na muna. Idiretso mo ako sa opisina," utos niya rito. Makalipas ang ilang minutong byahe, inihinto ni Goru ang s

