MULING bumalik ang kanyang ulirat nang marinig ang malakas na tinig ni Taransuke na tinatawag ang kanyang pangalan. "O-okay lang ako," sagot niya na umayos nang upo. Nagtatakang nagkatitigan ang dalawang binata bago bumaling sa kanya. Noon lang din siya nagtaka. Agad niyang tinanggal ang kanyang hood at sinuri ang likuran nito. "Bulletproof?" gulat na tanong niya nang mapagtantong hindi tumagos sa likod niya ang balang sinalo niya kanina. "Pero paanong...?" "Mamaya mo na isipin iyan. Pasalamat na lang tayo at nailigtas ka ng bulletproof mong hood," saway ni Taransuke sa kanya. Tinulungan sila nitong makatayo. Maya-maya pa'y narinig nila ang tunog ng mga sasakyang nasa labas ng compound. "Umalis na tayo, bilis!" yaya niya sa mga ito. Sabay-sabay silang lumabas sa bodegang iyon. Palaba

