"YUKI! May naghahanap sa iyo." Napasimangot si Yuki nang makita kung sino ang babaeng naghahanap sa kanya. "Ikaw na naman? Bakit ka bumalik?" "Nangako ako sa iyo, hindi ba? Dala ko na ang perang pambayad sa utang mo sa kanila," sabik na wika ni Yamiko sa kanya. "Anong utang?" "Iyong two hundred thousand. Bilis, ibigay mo na agad iyan para pwede ka nang umalis dito at bumalik sa klase mo." "Nahihibang ka na ba?" "Hoy, Yuki!" wika ni Kakashi, ang pinuno ng grupong naka-assign sa club na iyon. "Ano bang kahangalan ang pinagsasabi ng guro mo?" "Ah, wala po!" sagot niya. "Umalis ka na nga!" taboy niya kay Yamiko. "Pero..." "Kung talagang mapilit ka, sige tatanggapin ko na itong pera mo," wika niya sabay kuha sa perang iniabot nito. "Ibig mong sabihin, nagsinungaling ka sa akin? Hindi

