Sa wari’y nagulat pa si Ivan nang makita ang ayos ng pinsan, hindi ito sumasama o pumupunta sa mga bar. Iniangkas niya ito sa motor at inihatid sa lugar na pagkikitaan nila. Nakita ni Melissa ang kaibigang si Fiona kilala ito ni Ivan pumupunta ito sa kanila noong nasa kolehiyo pa lang ang pinsan. “Hi! Fiona!” bati nito sa kaibigan ng pinsan. Ngumiti ito sa kanya “hi! Ivan binatang-binata ka na talaga." bati rin nito sa kanya “Ikaw na bahala sa ate ko hindi ko alam ano nakain niyan para pumunta sa ganitong lugar!” bilin niya sa kaibigan ng pinsan. “Don’t worry nasa loob yung iba naming kaklase parang get-together namin ito. Maaga kaming uuwi, alam ko naman na may curfew si Cindy este….si Melissa!” natatawang sabi nito. Pumasok sa loob ang dalawa, nandoroon nga ang ibang kaklase nila no

