Amber Via Mabilis na lumipas ang mga buwan, nang sa wakas ay makapagtapos ako. Tulad ng unang napagkasunduan ay handa akong magtrabaho na lamang sa kompanya ni Vince. Ang sabi nito noong una ay gusto nitong ako ang maging secretary nito pero ilang buwan na mula nang makapagtapos ako ay hindi pa rin n'ya ako hinahayaang makapag-umpisa sa kompanya nya. Sinabi nitong magpahinga muna ako ng ilang buwan bago ako nito isasabak sa opisina. Hindi ko naman kailangan magpahinga kung tutuusin dahil hindi naman mabigat ang trabaho ko sa penthouse n'ya. At kung minsan ay dinadaan ako nito sa panunukso, bakit pa raw ako magtratrabaho e, kayang-kaya naman n'ya akong buhayin? Madalas kase nito akong tuksuhin na pakiramdam daw nito ay para na kaming mag-asawa lalo na pagkasama namin ang mga bat

