Amber Via Naging maayos naman ang mga sumunod pang mga araw sa amin ni Vince sa opisina. Kahit na may mga pagkakataon na pinapakaba nya talaga ng husto ang dibdib ko, sa pagla-lock nya ng pinto kapag gusto nya akong landiin Mas lalo itong naging clingy kahit pa sa harapan ng ibang tao. At kahit na natutulog na nga kaming magkasama sa iisang silid ay wala pa rin itong kasawa-sawa sa kakadikit sa akin. Tulad ngayon na pasimple itong pumunta ng pintuan at ni-lock na naman iyon. Hindi ako makapaniwala na nobyo ko na nga ito ngayon, at habang mas tumatagal ay mas lalo kong nakikilala ito hindi bilang isang boss, hindi bilang isang manliligaw kun 'di bilang isang mapag-mahal na nobyo. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nakita nito sa akin para mahalin nya ako ng ganito. Kagat ang ib

