AMBER VIA Magtatanghali na rin nang magising ako. Marahan akong kumawala sa pagkakayakap ni Vince. Hindi ko masupil ang isang ngiti sa labi habang nakatitig pa rin sa napakagwapo nitong mukha. He's peacefully asleep. Malalim pa ang kan'yang paghinga. Napagod talaga ito kagabi. Mag-uumaga na rin kase ng tigilan niya ako. Pero bago niya ako tinigilan at hayaang makatulog ay sinuotan pa niya ako ng pantulog. Baka daw malamigan kami ni baby. Imbes na siya ang surpresahin ko ay ako pa ang nasurpresa sa sinabi niyang iyon. "Alam mo?" ang mangha kong tanong. Malawak ang ngiti nitong tumango. "Paano?" "Lagi kang nahihilo at nasusuka. Laging mainit ang ulo mo sa akin at nababahuan ka sa amoy ko, kahit bagong ligo naman ako. Samantalang dati lagi kang nakasiksik sa kili-kili

