Third Person POV Nagulat si Amber Via nang paglabas sa gusali ng unibersidad na pinapasukan ay mabungaran n'ya sila Grego. Kompleto ang grupo maliban na lamang kay Vincent na sa mga kasalukuyang iyon ay nasa Singapore para sa isang runway engagement at ilang photoshoot. Nagulat siya sa pagpapakita ng grupo sa kanya. Oo nga at mga kaibigan ito ng kanyang nobyo, pero hindi siya naging malapit sa mga ito. Nakakasama lamang n'ya ang grupo dahil kay Vincent. She always have this weird feelings towards them everytime they are around. Ang tatlong babae sa grupo ay hindi rin naging malapit kailanman sa kanya. Ramdam rin n'ya ang napipilitang pakikitungo sa kanya ng tatlo, lalo na si Zoila ang kinakapatid ni Vincent. Madalas n'ya itong mahuling nakaismid sa kanya. Ang mga lalaki

