"Saan mo balak dalhin ang anak ko Johan?!" gulat na tanong ni Chestine habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga lalaking tauhan nito bitbit ang mga gamit ng anak. "Kinukuha ko lang ang karapatan ko Chestine," matigas ang boses na sabi ni Johan habang walang emosyong nakatingin sa asawa. "Asshole!! Give my son back!" sigaw ni Chestine at akmang kukunin niya si Jonas mula sa loob ng kotse nito nang maagap siyang pigilan ni Johan. "Maayos akong nakiusap sa 'yo, nagmakaawa ako, at lumuhod ako ng paulit-ulit sa harapan mo pero matigas ka pa rin, hindi kita nakuha sa pakiusap kaya pasensyahan na lang tayo," sabi ni Johan na sunud-sunod na ikinailing ni Chestine. "H'wag mong kunin sa 'kin ang anak ko!" muling sigaw ni Chestine hanggang sa tumulo na ang kanyang mga luha dahil sa takot

