(WARNING: SPG ALERT) Tuloy-tuloy lang sa pagpasok si Chestine sa loob patungong living room at pasalampak na naupo sa sofa na kaninang inupuan ni Jonas. Tinanggal na niya ang suot niyang cap sabay hagod ng kanyang buhok at nag-crossed legs. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid ng suite sabay napairap sa hangin. "What do you want to drink?" tanong ni Johan habang nakatayo siya sa harapan ng asawa. "Wala, maupo ka na at pag-usapan natin kung anong ipinunta ko rito," walang paligoy-ligoy na sagot ni Chestine. "Kadarating mo lang ang init agad ng ulo mo," nangaasar na sabi ni Johan kaya sinamaan siya ng tingin nito. "Anong gusto mo? Yakapin at halikan kita? Kapal ng mukha mo, anak ko ang pinunta ko rito hindi ikaw," mataray na sabi ni Chestine. "Natutulog ngayon si Jonas kaya meron

