CHAPTER 56

1317 Words

"H'wag naman sana, dahil ayokong magbuntis ng ganito pa kagulo," sabi ni Chestine sabay nasapo niya ang kanyang sintido. "Mapipigilan ba natin 'yon? Wala naman silang magagawa kung sakali," katwiran ni Johan. "Ah, basta!" iritableng saway ni Chestine sa asawa kaya hindi na lang ito muling nagsalita. Hindi naman nila namalayang nasa tapat na pala sila ng Balana Hotel nang tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking building. "We're here," anunsyo ni Johan at marahang ginising ang anak. "Wake up, sleepy head, we're here," bulong ni Johan sa anak habang mahinang niyuyugyog ang balikat nito. "Uhmmm... " ungot ni Jonas at saka nagmulat sabay pupungas-pungas siyang tiningnan ang kanyang Daddy. "Doon ka na lang mag-continue ng sleep," sabi ni Chestine sa anak sabay hinagkan ang buhok nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD