Chapter 26 'Doubts' Heaven's POV "Kumusta ang pakiramdam mo, baby girl?" Tanong ni kuya matapos niya akong check up-in. "Masakit pa rin kuya." Sabi ko. "Magpahinga ka na lang muna." Sabi niya at tumango ako. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko dahil sa pagsakit ng likuran ko. Ang sabi nila, napapaso raw sila. Pero hindi naman ako nakakaramdam ng anumang init. Tanging pag hapdi lang. Three days. Three freakin' days. Tatlong araw na lang ay ikalabing walong kaarawan ko na. Paulit-ulit si kuya na kailangan daw ay engrande ang celebration dahil debut ko ’yun. Walang dapat i-celebrate. Hindi ko kayang magsaya sa birthday ko. "May gagawin lang ako sa laboratory, baby girl. Babalikan kita after an hour." Sabi ni kuya at inilagay na sa bag niya ang mga ginamit niya sa pag-check up s

