Chapter 3

1963 Words
Aria Point of View Nakatanaw ako sa labas ng sasakyan habang binabagtas naming ang daan papuntang NGS Building isa itong sikat na building dahil sa puro mayayaman ang halos costumer nila at siguradong maganda ang mga produkto.Minsan lamang sila mag hiring kaya naman paniguradong madaming mag aaply dahil hindi nga basta basta ang mall na ito. Makabasag ka nga lang yata dito ay hindi ko na kayang bayaran "Nandito na tayo" napatingin ako kay Kevin saka tumingin sa labas. "Ang taas talaga nito" sabi ko na halos malula ako sa taas nito. "Goodluck!!" nakangiti niyang sabi itinaas pa niya ang kamay at pinag daop. Nakuha ko naman ang gusto niya mangyari na laban lang. "Oo naman ako pa kelan ba ako sumuko, salamat sa pag hatid !" kinuha ko ang folder ko saka ako bumaba ng owner. Kumaway ako bago umalis ang pick up na dala ni Kevin. Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya. Huminga ako ng malalim at saka ako pumasok sa loob dala ang folder na may lamang resume ko.Dapat ay noong isang araw pa ako pero may nangyari hindi maganda kasalanan kasi ng lalaki na iyon, mayabang na m******s pa. "Kaya mo ito Aria!" pagpapalas ko ng loob sa sarli ko Pag pasok ko ng building ay nagpunt ako sa third floor dahil sabi ng gwardiya ay doon daw yung mga mag aaply. Pag akyat ko ay pumasok ako sa may pinto na nakalagay ay HR Department. Nakita ko naman kaagad ang dalawang personel na nasa may front desk marami na ang nandito pero nilampasan ko sila ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, pero binalewala koi yon. "Hello po tanong ko lang po sana kung dito po magpapasa ng resume" tumingin naman sa akin ang isang babae na may kulay ginto ang buhok. "Oo bakit ano ba ang aaplyan mo" sabi niya ng nakataas ang kilay at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Kung ano po ang available na trabaho, okay lang po sa akin". Sagot ko sa kanya " Kita mo iyang pila na iyan? Pumila ka diyan at tatawagin kayo isa-isa" sagot sa akin ng may gintong berde. Tiningnan ko ang pila meron siguro itong singkwenta mahigit.Ngumiti naman ako sa kanya saka ako pumunta sa dulo ng pila. Ilang oras na akong nandito nararamdaman ko na din ang pag kalam ng aking tiyan. Nakalimutan kong bumili ng tinapay doon sa amin bago ako umalis. Sa kaka madali ko na makapunta dito ay nawala na sa isip ko. Buti na lang talaga nakita ko si Kevin na dumaan kaya nakisabay na ako kahit na magkaibang ruta ang pupuntahan namin. Madami pang aplikante ang nakapila dahil ngayong araw din nila ginagawa ang interview sa bawat lalabas na mga aplikante ay napapa hugot ako ng isang malalim na hinga hindi dahil sa nalalapit na ang aking pangalan ay kundi dahil sa kaba din kung ano ba ang mangyayari sa akin sa loob. "Miss ikaw na ang sunod" sabi ng babaeng kulot ang buhok mas mabait itong tingnan kesa dun sa kaninang kulay ginto ang buhok. Sa wakas ako na ang sunod sana maging okay ang lahat "Nasaan ang resume mo?" sabi niya ulit sa akin "ahh ito po ang resume ko " iniiabot ko sa kanya ang resume ko, huminga naman ako ng malalim pang tanggal kaba. "Miss ? " napatingin ako sa babae kanina "Bakit po?" tanong ko at lumapit ulit ako sa kanya "Hindi kasi ito resume" sabi niya sabay abot niya sa akin ng folder na kaninang ibinigay ko sa kanila. Napakunot ang noo ko paanong hindi iyon ang aking resume? Tiningnan ko ito at totoo nga hindi nga ito ang aking resume. "Miss hanggang kelan ba ang hiring nyo?" tanong ko sa babae. "Sad to say Miss pero hanggang ngayon na lamang pwede mag apply" sagot ng babae Bagsak balikat akong umalis sa loob ng HR Department. Dahil hanggang ngayon na lamang pwede mag apply. Bumaba ako sa second floor kung nasaan nandoon ang mall at groceries store. Umupo ako sa isang upuan at saka ako dumukdok.Napagod ako sa maghapon na nakatayo tapos mapupunta din pala sa wala. "Hi! can I sit here?wala na kasing bakante napapagod na rin ako tumayo" nakangiting sabi ng lalaki sa akin. Ang cute niya lalo na noong ngumiti siya tiningnan ko iyong maga katabing upuan wala na ngang bakante.Tiningnan ko ulit yung lalaki marami itong dalang pagkain, may pag ka chinito rin ito medyo may kataasan. "Can I? Please? " pag mamakaawa nito pero dahil cute ito nakakatuwa yung expresion ng mukha nya. "sige ! " sabi ko at umusod ako ng konti para maka upo sya. Sa pag apak ng paa ko ay kumirot ito. Alam kong may paltos na ito dahil sa suot kong sandals hindi ko kasi nagawa ang sapatos ko kaya naman pinahiram ako ni Grace. "Gusto mo? sige na kumuha ka na nang kahit na anong gusto mo dito sa mga dala ko " nakangiting sabi nito sa akin bakit ganun nakakawala ng stress ang mga ngiti niya "Wag na nakakahiya sayo na lang iyan" sagot ko sa kanya at tumignin na sa ibang direksyon "For you" sabay abot nito sa isang hotdog sandwich sa akin at isang coke in can. "Sabi nila nakakawala ang stress kapag kumakain ka." Sabi niya habang kinagat ang sandwich na hawak niya. "Try mo masarap" habol pa niya Kinagat ko naman yung sandwich na binigay niya at totoo nga napaka sarap nito at dahil sa gutom ko ay hindi na din ako nagpa kipot pa. "Do have a problem?" tanong nya sa akin habang kumakain sya. "Ahh wala" sagot ko sa kanya tapos umiwas na ako ng tingin. "Sa expression ng mukha mo meron" sabi nito na parang wala lang. "By the way my name is Simon!" inilahad pa nito ang kamay nya sa akin. "Aria " simpleng sagot ko at nakipag kamay pa ako sa kanya. "Namamasyal ka ba or may ka date ka tapos iniwan ka?" bigla niyang tanong sa gitna ng pagkain namin. "Wala akong ka date nandito ako para mag apply diyan sa - - - - - - - - " nang biglang may umapak sa paa ko sakto sa may paltos kong paa. "Aray !" yun lang ang nasabi ko at hinimas ang aking paa. "Sorry miss ang likot kasi ng anak ko" sabi sa akin ng isang maputing babae . "okay lang po" sagot ko sa kanya. "Regine come here appologize to her" tinawag ng babae yung kanyang anak na babae "I'm sorry ate" nakakatuwa naman itong bata na ito ang cute pa. "Okay lang iyon next time be careful kasi baka ikaw naman ang masaktan!" nakangiti kong sabi sa batang babae "okay!" matipid na sabi ng bata at umalis na silang mag ina. "Ang bait mo ikaw na itong nasaktan tapos sasabihin mong okay lang?" nakakunot na sabi ni Simon sa akin. "Anong gusto mong gawin ko makipag away? bata iyon at hindi naman niya sinasadya" paliwanag ko Nagulat ako ng bigla na lamang siyang lumuhod at tinginan ang paa ko. "Namamaga na ang daliri mo sa paa" sabi niya at saka tumayo at lumakad palayo. Maya maya lang ay bumalik itong may dala dalang ointment "Bakit ba kasi kayong mga babae mahilig magsuot ng mga may heals" sabi niya at lumuhod ulit para lagyan ng ointment ang daliri ko sa paa. "Ako na" sabi ko pa pero hindi ko siya nagpaawat. "Nag apply kasi ako ng trabaho pero hindi din naman natuloy " paliwanag ko sa kanya ewan ko ba parang kailangan kong magpaliwanag sa kanya. "ahh!" tipid nyang sabi sa akin. Tiningnan ko ang relo at mahaba haba na din pla ang inilagi ko dito sa NGS MALL "Ahh Simon salamat nga pala ha. Kailangan ko nang umuwi. Salamat din sa pagkain at sa mga kwento mo " nakangiti kong sabi at kinuha ko na iyong bag ko at isinukbit. "Ang aga pa! saan ka ba nakatira ihahatid na kita !" offer nya sa akin pero syempre kailangan kong tanggihan iyon no. "Hindi na marami na akong naging abala sayo kaya ko nang umuwi mag isa, sige aalis na ako salamat ulit " sabi ko sa kanya at tumalikod na . "bye!" narinig kong sabi nya . Naglakad lang ako ng konti dahil sa masakit ang paa ko nag elevator na lang ako papunta sa ground floor. Pag labas ko ng elevator ay nag lakad pa ulit ako palabas dahil medyo may kalayuan pa ito kaya tiniis ko na lang ang sakit ng aking paa. Hindi pa man ako nakaka labas ng pinto ng mall nang biglang may tumawag sa akin. "Aria ! Aria ! wait ! " huminto ako at tiningnan kung sino ang tumawag at syempre hindi ako nag pahalata baka mamaya hindi naman pala ako iyon ako lang ba ang may Aria na pangalan dito diba? Hindi pa man nagtatagal simula ng huminto ako ay may nakita na akong isang lalaki na tumatakbo papalapit sa akin. Ngumiti pa sya ng ubod ng tamis para akong nasa heaven nito at isang anghel ang aking nakikita na papalapit. "Ang cute nya!" ang lumabas mula sa labi ko mahina lang naman kaya walang nakaka rinig. "Sinong cute?" nakangiting tanong niya. "Ha? Wala yung lalaking dumaan kanina ang cute kasi nung hawak niyang bata "pagdadahilan ko ,Nakakahiya! "Akala ko may iba pang gwapo dito maliban sakin " nakatawa nyang sabi tapos luminga linga pa sya sa na parang hinahanap tapos tumingin din sya sa tiningnan ko. "Bakit mo pala ako tinatawag?" tanong ko sa kanya napansin kong hindi na pagkain ang dala dala niya kundi isang paper bag. "Ito oh" simpleng sagot nya tapos inaabot sa akin yung isang paper bag. "Ano yan? hindi naman sa akin iyan" sabi ko na lang baka kasi akala niya sa akin iyon "Hindi nga pero ibinibigay ko sa'yo" sabi niya at binuksan ang ang paper bag saka inilabas ang isang pares ng tsinelas. "Bakit mo ako binibigyan niyan?" tanong ko sa kanya "Hindi mo na nga ako hinayaang ihatid ka tapos hindi mo pa rin ba kukunin itong tsinelas na ito? uuwi ka bang naka high heels kahit na namamaga na iyang paa mo?" Tanong niya sa akin hinila niya ako sa isang bench dito sa ground floor at pina upo. Tinanggal niya ang strap ng sandals ko at saka isinuot ang tsinelas sa paa ko "Ayan comfortable ka ng diyan sa suot mo" sabi niya. Kinuha ko naman ang sandals at saka ko doon inilagay sa may paper bag "Nag abala ka pa pero salamat, paano ba kita mababayaran?" tanong ko sa kanya "Let's have a dinner" nakangiti nyang sabi sa akin. "Naku wala pa akong pera mag iipon na lang muna ako tapos saka kita ililibre" sabi ko sa kanya. "No My treat" sagot niya sa akin "Huwag mo ng dagdagan pa ang utang ko sayo promise babayaran ko sayo ang lahat ng ito" sabi ko pa sa kanya. "Give me your phone" sabi niya "Aanhin mo naman? Ito ba ang kukunin mong bayad?" Inilabas ko ang cellphone ko na de keypad. "Mas mahal pa ang tsinelas mong binili kesa dito sa cellphone ko." Sabi ko pa ulit pero kinuha niya iyon pero agad din ay ibinabalik niya. "Unlock it" sabi niya at ginawa ko naman ewan ko ba sinunod ko siya Kinuha ulit niya iyon at saka may pinindot at inabot ulit sa akin. "Aalis na ako ilista mo muna ang utang ko at pag nagka trabaho na ako ay babayaran kita promise" naka ngiti kong sabi "Okay" sagot lang niya "Sige na aalis na ako at baka gabihin ako sa daan malayo layo pa iyon." Sabi ko at naglakad na palabas ng pinto kumaway pa ito sa akin "Maraming salamat" sabi ko sa kanya saka lumakad na ako palayo ang swerte ng girlfriend niya dahil ang bait ng boyfriend niya. Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna ang folder na aking dala"RFL Group of Company?" ang pangalan na nakasulat sa folder ito yung pangalawa sa pinakamalaking kompanya dito sa pilipinas meron din itong branch sa ibang bansa. Habang naglalakad ako papuntang terminal ng Jeep ay napatingin ako sa isang malaking at pang pribadong building masasabi kong pribado ito dahil sa maraming proseso bago ka makapasok.Nakuha ng isang taong papasok ng building ang akin pansin.  Hindi na siya dumaan sa maraming proseso ng pag pasok kahit ballpen ay hindi nito nahawakan dahil pagka kita pa lamang sa kanya ng gwardiya ay pinapasok na kaagad siya may kasama pa itong escort papasok. Hindi ako pwede magkamali kung sino iyon dahil malayo pa lamang ay alam ko na ang pigura ng niya kahit nakatalikod ay alam kong siya. "Ano naman kaya ang gagawin ni Inay sa isang pribadong building na iyon?" tanong ko sa sarili ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD