Chapter Eleven

3274 Words
NAGISING si Paolo sa isang estrangherong silid. Gayumpaman, batid niyang nasa guest room siya ng bahay nina Ken at Trisha. Pagkatapos niyang uminom sandali sa isang bar kagabi ay doon siya napadpad. Kaagad naglabas ng alak si Ken nang mapansin nitong may problema siya. At halos mag-uumaga na nang matapos silang mag-inuman at doon na siya pinatulog.           Habang bumabangon ay nakaramdam ng pananakit ng ulo si Paolo dahil sa dami ng nainom kagabi. Nagulat pa siya nang makita sa suot niyang sports watch na alas-kuwatro na ng hapon. Hindi niya akalain na ganoon katagal siyang nakatulog. Nang makita ang sports bag niya na nakapatong sa isang silya ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo. Marahil ay kinuha iyon ni Ken sa kotse niya at dinala sa guest room dahil batid nitong kakailangan niya iyon. Pareho silang may sports bag sa loob ng kotse dahil ugali na nilang mag-basketball pagkatapos ng trabaho. Nitong mga nakaraang buwan lang nila iyon hindi nagawa dahil nadestino nga siya sa Bicol. At si Ken naman, magmula nang mag-asawa ay umuuwi na kaagad sa bahay pagkatapos ng trabaho.           Matagal nagbabad si Paolo sa ilalim ng shower. Malaki ang naitulong niyon para mabawasan ang pananakit ng kanyang ulo. Pagkatapos makapagbihis ay lumabas na siya ng silid at hinanap si Trisha. Natagpuan niya itong nagluluto sa kusina.           “You’re finally awake. Coffee?” nakangiting sabi ni Trisha nang makita siya nitong pumapasok sa kusina.           “Yes please,” ani Paolo habang umuupo sa harap ng kitchen counter. “Nasaan ang asawa mo?”           Tumalima ang babae at kumuha ng mug sa cupboard. “Nagpunta sa site kaninang ala-una pero pauwi na ‘yon. Bilin pala ni Ken ‘pag gising mo, huwag muna raw kitang pauwiin dahil iinom pa raw uli kayo,” halatang nagbibiro lang na sabi nito.           Napangiwi siya sa narinig. “Oh, please ayoko na muna ng alak.”           Tumatawang ibinaba ni Trisha ang umuusok na black coffee sa harap ni Paolo. “Sandwich o kakain ka na ng rice? Iinitin ko lang ang nilagang baka.”           “Mamaya na lang. Okay na ‘tong kape.”           “Hindi sinabi sa akin ni Ken kung bakit ka naglasing. Pero dahil kay Jane, ‘di ba? May misunderstanding kayo?” kaswal na tanong ni Trisha habang naglalakad pabalik sa harap ng lutuan.           Natigilan si Paolo. Sa dami ng nainom niya kagabi, hindi na niya maalala kung nasabi ba niya kay Ken na break na sila ni Jane o kung ano  ang napag-usapan nila. Pero obvious naman na hindi pa dahil hindi pa siya pinuputakti ng tanong ni Trisha.             “Where’s Kent?” sa halip na tanong niya at sumimsim ng kape.           “Naglalaro sa garden kasama ng yaya niya. Kumuha na ako ng yaya para mapagtuunan ko na ng pansin ang culinary school ko,” tugon nito. “Minsan nga pala nagpunta rito si Jane. It happened na naubusan ng formula milk at diapers si Ken kaya naiwan siya rito at pinagbantay ko kay Kent.”           Hindi kumibo si Paolo. Gayumpaman ay naging interesado siya sa sinasabi ni Trisha.           “Tulog si Kent noon kaya pumayag siyang maiwan dito. Pero nagising din si Kent dahil nag-poopoo pala,” kuwento nito.           “Hindi ko alam kung marunong siyang mag-alaga ng bata o magpalit ng diapers,” kaswal na komento ni Paolo.           “Wala nga raw siyang alam kaya tawa ako nang tawa nang pagbalik ko rito, nadatnan ko siyang haggard na haggard at parang dinaanan ng bagyo ang buong kuwarto ni Kent. But infairness, nagawa niya namang palitan ng diaper si Kent at timplahan ng formula milk. Naglalaro pa nga sila ni Kent ng dumating ako, eh.”           Mapait na napangiti si Paolo. He quickly pictured Jane in that situation, haggard but still beautiful. He wanted to see her in that situation again, pero baby na nila ang papalitan nito ng diapers. At kasama siya nitong natataranta kung paano nila lilinisin ang poopoo ng baby nila. Pero isang pangarap lang at hindi mangyayari ang naisip niya dahil wala na sila ni Jane.           Nagulat talaga siya sa masayang ibinalita sa kanya ni Anthony pagbalik niya mula sa pagbisita sa construction project nila sa Bicol. Ayon dito ay magpapakasal na ito at si Janine sa loob ng isang buwan pero hindi buntis si Janine.           “Next year na kayo magpakasal ni Janine, Anthony, dahil magpapakasal na kami ni Jane this year,” suhestiyon niya kahit na hindi pa rin pumapayag si Jane na i-set na ang kasal nila at nakipag-cool off pa siya rito. Gayumpaman, malakas ang pakiramdam niya na sa oras na magkita sila at muli niya itong himukin ang nobya na i-set na ang araw ng kasal nila ay papayag na ito.           “That’s impossible, Kuya dahil okay lang kay Ate Jane na magpakasal na kami ni Janine this year.”           “Pumayag si Jane?” gulat na tanong niya.           “Oo, Kuya.”           Kaagad umiinit ang ulo ni Paolo sa nalaman. Kung pumayag si Jane na magpakasal ang mga kapatid nila, ang ibig sabihin lang ay hindi pa rin nito gustong makasal sa kanya. Muli ay nakaramdam siya ng rejection.           “Don’t worry, Kuya. Ikaw naman ang gagawin kong bestman, eh,” nakangising sabi pa ng kanyang kapatid at tinapik-tapik pa ang balikat niya.            Bago pa mapigilan ni Paolo ang sarili ay tumaas ang isang kamao niya at inundayan ng isang malakas suntok sa panga si Anthony. Sumadsad ito sa marmol na sahig.           “Kuya?” gulat na gulat na tanong ni Anthony habang nakahawak sa nasaktang panga. “Bakit mo ako sinuntok?”           Imbes na sumagot ay galit na nilayasan niya ang kapatid at pinuntahan sa opisina nito si Jane at kinompronta.           Naputol sa pag-iisp si Paolo nang pumasok ang maid sa kusina at iniabot nito ang cordeless phone kay Trisha.           “Yes, Tita, nandito po si Paolo magmula pa kagabi,” sabi ni Trisha sa kausap  sa phone habang nakatingin kay Paolo. He knew it was his mom. “Baka po na-low batt ang phone niya. Nag-inuman po sila ni Ken kagabi.”           Nagbaba ng tingin si Paolo at inabala ang sarili sa pag-inom ng kape niya.              “Talaga po, ikakasal na sina Anthony at Janine?” gulat na sabi pa ni Trisha sa kausap. “Sige po, sasabihin ko na lang. Bye, Tita.” Ibinaba nito ang hawak na telepono sa ibabaw ng kitchen counter at binalingan siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal na pala sina Anthony at Janine? Pati si Jane, hindi rin nagkukuwento. What happened? Buntis ba si Janine at parang nagmamadali silang magpakasal?” sunod-sunod na tanong nito.           “No, hindi buntis si Janine.”           “Really? Mamayang gabi na pala ang pamamanhikan. Ang sabi ni Tita, agahan mo raw umuwi para sabay-sabay na kayong pumunta kina Janine. Grabe, uunahan pa pala kayo ng mga kapatid n’yo na magpakasal ni Jane.”           “It’s okay, Trish, wala na naman kami ni Jane.”           “Talaga? Bakit naman… What?! Break na kayo ni Jane?” gulat na gulat na bulalas nito.             Tumango si Paolo.           “What happened?”           “Nakipag-break ako sa kanya.”           “Are you out of your mind? Bakit mo naman ginawa ‘yon, Paolo. Mahal na mahal n’yo ni Jane ang isa’t-isa.”              “That’s not true, Trish. But I don’t want to talk about it. Sana respetuhin n’yo na lang ang paghihiwalay namin.”           “No! Hindi ako makapapayag na hindi kayo ang magkatuluyan ni Jane.” Tila maiiyak na dinampot ni Trisha ang cordless phone at nag-dial. Nakadikit na sa tainga nito ang aparato nang patayin nito ang stove at lumabas ng kusina.           He knew she was calling Jane. Nagkibit-balikat na lang siya at itinuloy ang pag-inom sa kape.             “WALA rito si Paolo,” sabi ni Kuya Jay-Jay sa kausap sa telepono. “Okay, sasabihin ko. Bye!”           “Sino ang tumawag, sweetheart?” kunot-noong tanong ni Kate sa asawa.           “Si Anthony, hinahanap ang kuya niya. Ang akala nandito sa atin.”  Binalingan ni Kuya Jay-Jay si Jane.  “Nasaan ba si Paolo, Jane?”           “Hindi ko alam,” kibit-balikat na tugon niya.           Nagkatinginan ang mag-asawa.           “Jane, ‘di ba ngayon mamanhikan sa inyo sina Anthony? Baka ma- traffic ka quarter to six na,” pagtataboy ni Kate.           “It’s okay. Hindi talaga ako uuwi sa bahay. Ayokong makisali sa pag-uusap nila,” tugon ni Jane na hindi tumitingin dalawa habang nilalaro-laro ang maliit na kamay ng pamangkin niya.           Muling nagkatinginan ang mag-asawa.                    “May problema ba, Jane?” kunot- noong tanong ni Kuya Jay-Jay.           Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “B-break na kami ni Paolo, Kuya,” basag ang tinig na pag-amin niya.           “What?!” sabay na bulalas ng mag-asawa.           “What happened, Jane?” tanong ni Kate na naunang nakabawi.           “He broke up with me. Anyway, tapos na ‘yon. I have to move on…” hindi siguradong sabi niya.           “Jane, hindi puwedeng makipag-break sa ‘yo si Paolo nang ganoon–ganoon lang.”           “Kuya, please, pabayaan n’yo na lang kami ni Paolo.”           “No, Jane.  Kakausapin ko siya,” deklara ni Jay-Jay at mabilis na lumabas ng silid dala ang cell phone.           Lumapit si Kate kay Jane. “I think you need a hug, sis.” Nang makita ni Jane na nakaangat na mga braso ng kaibigan, tuluyan na siyang napaiyak at sumubsob ng yakap dito.   “GANO’N na lang ba ‘yon, Ate Jane? Hahayaan mo na lang si Kuya Paolo na hiwalayan ka nang hindi niya naririnig ang paliwanag mo?”           Nagtungo si Jane sa opisina ni Francine upang ibigay rito ang professional fee nito sa natapos na trabaho sa magiging bahay sana nila ni Paolo. Subalit tinanggihan lang ni Francine ang tseke at sinabing advance wedding gift na raw nito iyon sa kanila ni Paolo. Nakangiwing hindi na siya nagpumilit pa. At nang usisain nito ang nabalitaan sa mga kaibigan nila ay walang pagdadalawang-isip na nagkuwento siya.           Mabilis na umiling si Jane. “Gagawin ko ang lahat para kausapin niya ako, Francine. And I’ll win him back. Hindi ako makakapagyag na mawala sa akin si Paolo,” determinadong sabi niya.           Sa loob ng nagdaang weekend ay nagmukmok lang siya sa guest room ng bahay nina Kate at halos walang tigil na nag-iiyak. Dumating din si Trisha at iba pang mga kaibigan nila pati na ang mga magulang niya at si Lola Amelia para damayan siya subalit halos hindi niya pinansin ang mga ito. Si Paolo ang kailangan niya at gustong makita subalit walang makapagsabi kung nasaan ito.           Pagdating ng Lunes ay lutang ang isip na pumasok sa trabaho si Jane. Nagbaka-sakali siya na bigla na lang susulpot si Paolo sa opisina niya upang bawiin ang pakikipaghiwalay sa kanya subalit nabigo lamang siya. Sa halip, bandang alas-tres ng hapon, ang head ng security ng Monteclaro Hotel sa Ortigas ang   dumating sa opisina niya.           Halos hindi niya mapaniwalaan na si Paolo ang nakuhanan ng CCTV camera na nakaakbay sa isang sexy at magandang babae na umalis sa bar ng hotel at nagtungo sa isa sa mga hotel room.     Malinaw ang kuha ng video at sa tagal nang pagkakakilala niya kay Paolo, sigurado siya na ito ang lalaki sa video. Base sa intimate na pagkakadikit ng katawan ng dalawa ay madaling hulaan na may milagrong ginawa ang mga ito sa loob ng silid. Subalit mahigit dalawang minuto lang ang itinagal ni Paolo sa loob ng silid at nagmamadaling umalis.           Marahil ay may kinuha lang sa hotel room ng babae si Paolo at wala itong ginawang milagro dahil hindi naman siguro ganoon kabilis matatapos ang mga ito kahit sabihin pang short time lang iyon.           Nang tignan ni Jane ang petsa ng footage, napagtanto niya na iyon ang araw na nagalit si Paolo sa kanya matapos niyang aminin dito na gumagamit siya ng contraceptives. Marahil ay naglasing ito kaya ito nagtungo bar ng hotel at doon nito nakita ang babae.           Dumagdag sa dinadala ni Jane sa kanyang dibdib ang napanood ang video footage. Matagal na nilang empleyado ang head ng security at kilala nito si Paolo bilang fiancé niya. Concerned lang ito kaya nito ipinakita sa kanya ang video.           Muli ay napaiyak siya nang muling mapag-isa pero sandali lang. Dahil sa napanood, bigla siyang naging determinadong ipaglaban si Paolo at huwag hayagaang tuluyang mawala sa kanya. It did not matter what he really did in that hotel room. Kung sakali mang nagawa nitong magtaksil sa kanya kahit pa sa ibang panahon o pagkakataon ay magagawa niyang patawarin. Maybe it was her fault why he became unfaithful.           Umalis ng opisina si Jane at nagtungo sa office building ng Builders. Nag-uuwian na ang mga empleyado nang mga oras na iyon. Dumiretso siya sa opisina ni Paolo subalit muli, ayon sa sekretarya nito ay hindi pumasok ang boss nito. Dismayadong nagtungo na lang siya sa opisina ni Francine.           Napangiti si Francine. “That’s right, Ate Jane. Dahil kung hindi ka gagawa ng hakbang. Makikialam na talaga ang barkada para magkabalikan kayo.”           Napangiti rin siya. Batid niyang labis ding nasaktan sa paghihiwalay nila ni Paolo ang mga kaibigan nila na naging saksi sa pagmamahalan nila mula pa sa simula.           Plano niyang magtungo sa condo ni Paolo sa pagbabakasaling naroon ito. Subalit nang biglang magyaya si Francine na magtungo sa bar nang gabi iyon ay hindi niya nagawang tumanggi. Halata namang gusto lang siya nitong libangin. Bago sila umalis ng opisina ay nag-group text si Francine sa mga single pang mga kaibigan nila para sa biglaang gimik. At dahil maaga pa, nag-early dinner muna sila sa isang restaurant bago nagtungo sa El Pueblo.   SI ANTHONY ang unang dumating sa mga kaibigan nila nang nasa Friend Jungle Bar and Restaurant na sina Jane at Francine. Ayon dito ay may duty sa ospital si Janine kaya hindi nito kasama ang nobya.           “Ano’ng nangyari sa bibig mo?” usisa ni Jane nang mapansin ang putok na labi ni Anthony nang mapagsolo sila matapos lumabas ni Francine dahil tinawagan ito ng boyfriend.           “Wala ‘to, natuwa lang sa akin si Kuya,” nakangiwing tugon ni Anthony. Napakunot-noo siya. Gayumpaman, pinili niyang hindi na mag-usisa pa. “Ano nga pala’ng napag-usapan n’yo no’ng namanhikan kayo sa bahay? Siguro naman, hindi ako ang maid of honor ni Janine. Please lang, pagod na ako sa role na ‘yan,” pagbibiro niya.           “Si Francine ang maid of honor ni Janine at si Kuya Paolo ang best man ko. We’re going to have a beach wedding sa resort namin sa Palawan.”           Tumango-tango si Jane. “That’s good. So kailan ang kasal? Next month na ba?”             Umiling si Anthony. “Napagdesisyunan namin ni Janine na i-set ang araw ng kasal sa January eight next year.”           “Next year?” gulat na bulalas niya. “Akala ko ba gusto n’yong magpakasal kaagad? Ano’ng nangyari? Hindi papayag sina Daddy na mag-live in kayo ni Janine.”           “Don’t worry hindi kami magli-live in ni Janine. And I’m sorry, Ate Jane, naging inconsiderate at naging makasarili kami ni Janine, without thinking na matagal na kayong engaged ni Kuya Paolo. Kaya nagdesisyon kaming mag-give way sa inyo just in case na gusto n’yo nang ring magpakasal this year,” nakangiting  paliwanag nito.           “Pero hindi n’yo na kailangang gawin ‘yon, Anthony. Wala na kami ni Paolo. Walang magiging problema kung magpapakasal kayo this year.”           “But I’m sure magkaka-ayos din kayo. He’s madly in love with you, Ate Jane. Hindi tanga si Kuya para tuluyan ka n’yang bitawan.”           Napangiti na lang siya. Sana nga ay magkatotoo ang sinabi ni Anthony. Bumalik na si Francine sa table nila. Kasama na nito ang mga celebrity friends nilang sina Lance at Ethan. Hindi nagtagal ay magkasama namang dumating si Troy na bunsong kapatid nina Ethan at Trisha, at si Frances na kapatid ni Francine at girlfriend ng kapatid niyang si Justin. Nagkakasiyahan na sila nang dumating ang kuya ni Lance na si Fran.              “Whoa, Ate Jane. Himala, nakasama ka namin tonight,” nakangiting sabi ni Fran matapos nitong humalik sa pisngi niya.           “Nagsawa ka na bang makasama ang mga best friends mong mga mommy na?” tanong naman ni Troy.           “Tumigil nga kayo. Baka isipin ng mga makakarinig na ang tanda-tanda ko na. Baka nakakalimutan mo, Fran, halos magka-age lang tayo.”           “Of course not. Si Gian at Kirsten ang ka-batch ko ‘no,” deny ni Fran. Ang dalawang nabanggit ang pinakabata sa barkada nila. Sinadya ni Francine na hindi i-text ang mga ito dahil may pasok sa university kinabukasan. Hindi naman nag-reply sa group text ni Francine ang kapatid ni Jane na si BJ at ang iba pa.           “Sinungaling kang lalaki ka. Pero hindi na ako makikipagdebate. On the house na ang mga orders natin,” nakangiting deklara ni Jane.           Masayang nagpalakpakan ang lahat sa narinig. Nagsimula silang magkuwentuhan at mag-asaran habang umiinom ng beer. They talked about their lives, sports, fashion, food and even current events. Jane was thankful dahil wala man lang nagbanggit sa paghihiwalay nila ni Paolo. Mayamaya ay biglang napatigil si Fran sa pagsasalita nang mapatingin ito sa bar counter na tila may nakitang isang kakilala.           Awtomatikong napatingin din doon si Jane. Nagulat siya nang makitang umuupo sa isang stool si Paolo. Naka-side view ito mula sa kinaroroonan nila. Natahimik din ang mga kasama nila sa table. Suddenly, hindi alam ni Jane ang gagawin at nakatingin lang siya kay Paolo.  Umiinom na ito ng beer nang biglang may lumapit dito na matangkad at seksing babae. Napabaling naman si Paolo sa babae at kaagad na ngumiti. Ang isang kamay ng babae ay humawak sa balikat ni Paolo at ang isa naman ay sa necktie. Napamaang si Jane nang makilala ang babae. It was the same girl na kasama ni Paolo sa napanood niyang video footage kanina lang. “Oh, God, Miakka,” bulalas ni Francine.           Napabaling si Jane kay Francine na nakatingin din sa bar counter. “Miakka who?” salubong na ang mga kilay na tanong niya.           “‘Yong kasama ni Paolo. She’s an architect, at madalas naming nakakalaban sa mga bidding ang firm ng daddy niya. Ang alam ko, matagal nang pina-pirate si Paolo sa firm nila. And If I’m not mistaken, ex-girlfriend s’ya ni Paolo way back in UST.”           “Hot chick,” komento ni Lance.           Naniningkit ang mga matang ibinalik ni Jane ang tingin sa bar counter.           “What are you waiting for, Ate Jane?” tanong ni Francine. “Obvious naman na nakikipag-flirt siya kay Paolo. Hihintayin mo pa bang maghalikan sila?”           “Go, Ate Jane,” pag-encourage naman ni Frances.   Alumpihit sa kinauupuan si Jane. Gustong-gusto na niyang lapitan si Paolo at ang malanding babae subalit nagdadalawang-isip siya. Paano kung ipahiya lang siya ni Paolo? “Walang mangyayari kung panonoorin mo lang sila. Go, get your love,” sabi naman ni Ethan.           Humugot ng malalim na hininga si Jane bago nagpasyang tumayo at naglakad patungo sa bar counter. Halos maglapat na ang mga labi ni Paolo at ng malanding babae nang magsalita siya.           “Excuse me, Miss. Necktie yata ng fiancée ko ang hawak mo,” mataray na sabi niya.           Kaagad namang dumiretso ng tayo ang babae at humiwalay kay Paolo.           “Jane?” gulat na bulalas ni Paolo. Hindi pinansin ni Jane ang binata, nanatiling masama ang tingin niya sa babae.           “I didn’t know he has a companion,” bale-walang sabi ng babae at kaagad na umalis.           Pumuwesto si Jane sa iniwang puwesto ng babae. “I’m still your fianceé, Paolo,” lakas–loob na sabi niya. “Hindi ako makapapayag na basta mo na lang akong hihiwalayan.” Hinawakan niya ito sa mukha at yumuko siya.  She gave him deep and passionate kiss.           Nanlaki ang mga mata ni Paolo sa ginawa niya at nanigas sa kinauupuan. Nang ilang sandali na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito tumutugon sa halik ay mas lalo pa niyang pinagbuti ang paghalik. Kumalas lang siya rito nang pangapusan na ng hininga. Nang bitiwan niya si Paolo ay tulala lang itong nakatingin sa kanya. Muli siyang yumuko at muling hinalikan ang nobyo. She encouraged him to kiss her back. Ngunit muli ay hindi nito iyon ginawa.  Pigil ang mga luhang binitiwan niya si Paolo at dire-diretsong lumabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD