TNSH 7-SCARED

1844 Words
Kinagabihan, pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nag freshen up lang kaming pareho ni Henry. Nagkayayaan kaming magmovie marathon dahil tapos na rin naman kami sa mga gawaing bahay. Hindi naman siguro magagalit si Sir Kier sa amin dahil busy din naman ito sa babaeng iniuwi nito dito sa mansyon. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Naipilig ko ang ulo ko sa naging mahalay na pag iisip ko. "Oh! Nandyan ka na pala kaagad Aki? Ang bilis mo naman," bulalas ni Henry pagkakita sa akin. "Oo, naligo lang ako saglit," simpleng tugon ko naman. Excited din ako kaya minadali ko na rin ang kilos ko. "Halika! Magluto muna tayo ng french fries tsaka popcorn para kunwari ay nasa sinehan talaga tayo," excited na sabi sa akin ni Henry habang hinihila ako papunta sa kusina. Si Henry na lang ang nagluluto. Pinaupo na lang ako sa upuan sa dining table. At dahil ayaw kong manuod lang sa pagluluto ni Henry ay nagtimpla na lang ako ng Juice para sa aming dalawa. Natutuwa naman ako kay Henry dahil napakabait nito sa akin. Kaya kahit mag isa lang ako dito sa Maynila ay hindi na rin ako nakakaramdam ng lungkot. Nang minsan nga ay inaya ako nito na manuod ng sine pero mariin akong tumanggi dahil baka pareho kaming hanapin ni Sir Kier. Siyempre, magtataka yun kapag sabay kaming nawala. Gumawa na rin ako ng sawsawan ng french fries para mas lalong sumarap ang lasa niyon. Naglagay ako sa platito ng catsup at mayonaise para masarap ta hinalo ko ng mabuti. "Charan! Luto na!" natutuwang sabi ni Henry. Tinulungan ko na itong ilagay ang mga niluto sa malaking mangkok. Sunod ay umupo na kami sa mahabang pabilog na sofa habang magkatabi kami. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng salamin ko sa mga mata para mas makita ko ng maayos ang papanoorin namin. Kinuha ni Henry ang remote at ini-on na nito ang malaking TV. Sa sobrang laki nito ay daig pa namin ang tunay na nasa sinehan. May theater room si Sir Kier at meron din TV dito sa living room. Iba talaga ang mayayaman. Sa isip-isip ko naman. Kayang bilhin kahit gaano pa kamahal ang isang bagay. Samantalang ako nun, palagi lang nakikinuod sa kapitbahay. Minsan pagsasaraduhan pa ako ng pinto at bintana. May ibang mababait na papapasukin ako at meron namang masungit na akala mo kukunin ang TV nila. "Aki?" agaw pansin sa akin ni Henry. "Oh bakit Henry?" "Ano pala ang gusto mong panoorin?" tanong nito sa akin. Nag isip naman ako kung anong pinakagusto kong palabas pero wala naman akong maisip. "Ah... eh...Ikaw na lang ang pumili Henry, hindi ako masyadong pamilyar sa mga movies eh. Pero may isa akong gustong panoorin. Kaya lang horror naman iyon," suhestiyon ko kay Henry ng maalala ko ang pinakapaborito kong movie. Parang alangan naman agad ang hitsura ni Henry kung papayag ba ito na Horror ang panoorin namin o hindi. "Ano bang pamagat ng gusto mo sanang panoorin, Aki?" halata sa boses ni Henry na kinakabahan ito. Lihim naman akong natawa. "Wag na nga lang parang natatakot ka na kagad dyan hindi pa man tayo nagsisimulang manood eh," pang-aasar ko naman kay Henry. "Hoy! Hindi ah! Sige na sabihin mo na," sabi nito na medyo tinapangan pa boses. Lihim ulit akong napangiti. Subukan ko nga itong si Henry kung talagang hindi ito natatakot. "Medyo matagal na yung movie na yun pero gustong gusto ko iyon. Yung Insidious," sabi ko kay Henry. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa naging reaksyon nito. "Sigurado ka na ba sa gusto mong panoorin, Aki?" "Oo naman!" excited kong sagot. "G-ganun ba? S-sige," parang napipilitan nitong pagsang ayon. Nakita ko na hinahanap na nito iyon sa youtube. At nanlaki ang mga mata ko sa tuwa ng mahanap nito kaagad ang paborito kong horror movies! Yehey! "S-sigurado ka na ba talaga, Aki? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tila naniniguradong tanong ulit nito sa akin. Halatang natatakot na si Henry. Humagalpak naman ako ng tawa dshil sa hitsura ni Henry. Halatang ayaw nitong manood ng Horror. "Bakit ka naman tumatawa dyan?" naaasar na sabi nito sa akin. Medyo sumimangot pa nga. "Ano ba yan? Namumutla ka na kaagad kahit hindi pa tayo nagsisimulang manood!" panay pa rin ang tawa ko. Mas lalo akong na-excite sa papanoorin ng dahil sa naging reaksyon ni Henry. "Hindi ah! Sige na ayan na." tila naiinis nitong sabi sa akin. Kahit pala malaki din pangangatawan nito ni Henry, may kinatatakutan din pala. Pinindot na nito ang play button at nagsimula na nga ang palabas kaya umayos na ako ng pwesto at itinuon ko na ang aking mata sa aming pinapanood. Sa simula pa lang ay abang na abang na ako sa palabas dahil ngayon ko lang ito mapapanood ng maayos. Wala kaming DVD player sa bahay namin kaya madalas makinuod lang ako sa TV ng kapitbahay. Dun sa mabait na kapitbahay ko na si Aling Dalde. Tutok na tutok kami ni Henry sa panonood ng mapasigaw kaming dalawa sa isang nakakatakot na eksena. "Wahhhh!!!" sigaw ni Henry. "Oh my God!" gilalas ko. Panabay na sigaw naming dalawa habang nakatakip ang kamay namin sa mga mata. Lechugas! Iba pala ang pakiramdam kapag malaki ang pinanunuoran. Pakiramdam ko kasali ako sa eksena eh! Mas nakakagulat! Napatingin naman kami ni Henry sa humahangos na dumating. Si Sir Kier na half naked pa at mukhang kakatapos lang nitong maligo dahil tumutulo pa ang tubig nito sa katawan. "Why are you two shouting? What happen, huh?" habol-hiningang sabi nito. Napatigil naman ako sa pagsigaw at biglang umayos ng upo. Malakas ba talaga ang sigaw namin? Parang hindi naman! Nakagat ko tuloy ang aking ibabang labi. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Ah wala po, Sir. Nanunuod lang po kami ni Henry ng palabas." sagot ko na lang dito para umalis na at makapagbihis na. Ang sagwang tingnan eh, napaiwas tuloy ako bigla ng tingin. "Okay! I thought your two doing something silly. Tss!" He hissed at nagmamadali na ulit umalis sa harapan namin. Nagkatinginan naman kami ni Henry at sabay na natawa. "Ikaw kasi, Aki! Ang lakas ng sigaw mo!" pabirong sisi sa akin ni Henry. "Ikaw kaya! Kalalake mong tao takot ka sa multo." sabay inirapan ko si Henry habang natatawa ako. Nang matapos na namin ang isang palabas ay halos ayaw nang bumitaw sa akin ni Henry. Natatawa ako sa reaksyon nito dahil mukhang tinakasan ng pagiisip at nakahawak pa talaga sa braso ko habang patingin-tingin sa paligid. Napatingin naman ako sa wall clock na nasa kusina. "Hala Henry! Alas diyes na pala ng gabi. Kailangan na natin matulog," nag aalalang sabi ko kay Henry. Mamaya niyan pagalitan kami ni Sir Kier dahil nagpupuyat kaming dalawa. Kung ako ang masusunod ay kahit ilang pelikula pa dahil sabik talaga ako sa panonood. Ang kaso, hindi naman pwede. Mahigpit pa rin ang kapit sa akin ni Henry ng lumabas si Sir Kier kasama yung babae na mukhang kakatapos lang gumawa ng horror movies este kababalaghan pala. "Same lang yun eh" sabi ng isang isip ko. "What are you two doing, again?" iritableng tanong nito sa aming dalawa. "Eh, kasi po sir. Ito pong si Henry, ayaw pong bumitaw sa akin. Natatakot daw po siya dun po sa pinanood naming horror kanina," natatawang sumbong ko naman habang pilit tinatanggal ang mga kamay ni Henry sa braso ko. "Henry! Go to your room at matulog ka na! Ikaw din Akira!" matigas utos nito sa amin ni Henry. Napilitan tuloy bumitaw sa braso ko si Henry. Nang-aasar pa itong inambahan ako ng suntok. "Natatakot ka pa rin ba, Henry? Gusto mo ihatid kita sa pinto ng silid mo?" walang malisyang tanong ko. Napansin ko naman kumunot ang noo ni Sir Kier sa huling sinabi ko. May masama na naman ba sa sinabi ko? "No need, Akira, ako na ang bahalang maghatid kay Henry sa kaniyang silid, just go to your room," halatang naiinis na ito sa aming dalawa ni Henry. "Honey, calm down. Mga bata pa sila kaya sila ganyan, hmm?" sabay himas nito sa likod ni Sir Kier para pakalmahin dahil mukhang dragon na naman ito na anumang oras ay handa nang bumuga nang apoy. Ngumiti ulit sa akin ang babae. Mukhang mabait at friendly nga ang isang 'to kumpara doon sa iba. Ibinalik ko ang ngiti ng babae ngunit bagsak balikat naman akong umalis sa tabi ni Henry. Naaawa kasi ako rito dahil ako naman ang may kasalanan kaya ito nagkaganun. Kaya gusto ko muna sanang ihatid at samahan hanggang sa makatulog. "Opo, Sir. Sige na Henry. Goodnight." paalam ko rito at dumiretso na ako sa aking kwarto. Parang bigla na naman nagbago ang mood ni Sir Kier. "Bakit ba ang sungit ni Sir? Hays! Makatulog na nga!" Humiga na ako at nagtalukbong na ng kumot hanggang sa unti-unti na akong dinalaw ng antok. Naalimpungatan ako ng makarinig ng katok mula sa labas ng pintuan sa silid ko. "Sino ba ito? Si Henry kaya? Mukhang natakot talaga siya ng sobra sa pinanuod namin kanina ah," sa isip-isip ko naman. Pupungas-pungas na binuksan ko ang pinto at nagsalita kahit hindi ko pa naman nakikita kung sino ang kumakatok sa pinto. "Bakit Henry? Natatakot ka na naman ba?" Tanong ko agad habang humihikab pa. Nang hindi nagsasalita ang kumatok ay kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Wala na nga pala akong suot na salamin sa mata kaya medyo malabo ang paningin ko. Nang maaninag ko na ito ng tuluyan ay ang madilim na mukha ni Sir Kier ang bumungad sa mga mata ko. "And you're expecting Henry, huh!" galit na tanong nito sa akin na ikinagulat ko. "Hmm kayo po pala, Sir Kier. Hindi naman po akala ko lang po natatakot na naman siya at kailangan ng makakasama--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pumasok na ito sa kwarto ko. Mukhang nakainom ito dahil amoy alak pa. Nasaan na ba yung babaeng kasama nito kanina? Mamaya kung ano pa isipin nun sa amin ni Sir Kier. "Ba-bakit po, Sir? may kailangan po ba kayo?" natatakot na tanong ko habang panay ang atras ko. At hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya automatikong napahinto ako. Hindi nagbabago ang anyo ni Sir Kier. Mukha na naman itong galit. "Wag na wag mo ng uulitin yun? Alam kong inosente ka pa! Pero wag na wag mo ng uulitin ang pagdikit ng ganun kay Henry lalo na kung dis oras ng gabi at lalong-lalo na kapag dalawa lang kayo! Naiintindihan mo ba?" anito na pilit ipinapaintindi sa akin ang bagay na iyon. Wala lang naman sa akin ang bagay na iyon ah? Mukhang wala din naman malisya kay Henry yun. Bigla ay nakaramdam ako ng takot kay Sir Kier. Naguguluhan ako sa sinasabi nito kaya napatango na lang ako. "Mabait naman si Henry diba? Bakit niya ako pinalalayo?" kausap ko sa aking isipan. May naging problema ba nung nanood kami ng Henry kanina? Lumapit ang mukha nito sa mukha ko at dumako sa may tapat ng tainga ko saka may ibinulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD