Kier's POV "Mga Boss, baka naman pwede nating pag-usapan ang bagay na ito. Tutal, gabi na rin naman. Umuulan at kumikidlat pa, oh?" Sabay tingin ko pa sa langit. Talagang nagmadali akong makarating dito kahit inabot na ako ng ilang oras papunta rito. Akalain mong maghahating gabi na naririto pa rin sila? Magkano kaya ang ibinayad ni Terrence sa mga ito at hihigitan ko. "Pasenya na kayo. Mahigpit na ipinag-uutos ng may-ari na bawal talaga ang trespassing sa lugar na ito. Wala na kaming magagawa dun. Kung gusto nyo ay itawag muna natin para ipaalam sa kanila na may bisita sila-" "Naku! Hindi pwede. Sige na. Payagan nyo na kaming makapasok sa Isla Asul. May kailangan lang talaga akong sunduin dun sa lugar na yun at kailangan ko siyang surpresahin. Kapag sinabi nyo na nandito kami, hindi

