Pagkatapos ng big announcement ni Daddy ay nagpaalam na ako sa kanila. Naluluha akong umalis sa harapan nilang lahat. Tita Lilibeth feel sorry for me pero kahit siya ay wala ding magawa sa naging announcement na 'yun. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagdesisyon si Daddy ng ganung bagay at hindi ko iyon nagustuhan. Parang ang hirap lang na basta basta na lang niya kami ipapakasal na wala kaming pagkakaintindihan. May alam ba siya sa nakaraan namin ni Kier? Pero imposible naman yun dahil kahit si Tiyang Loleng ay wala rin namang alam. Daddy knows that I'm upset with him. Nagmukmok lang muna ako sa kwarto at nag isip-isip. Mabuti na lang at nasa eskwelahan pa si Keira dahil ayokong makita niya ako sa ganitong hitsura ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan akong pil

